Sana Iyong dinggin ang panalangin ko
Sana ay mapatawad Mo ang kamalian ko
Buong puso at kaluluwa ako’y nangangako
Mula ngayon ay susunod sa ‘Yo
Purihin Ka, oh Dios, sa kabanalan Mo
Nilinis Mo ang puso
kong dating naglililo
Binigyang bagong pag asa
na noo’y ‘di ko dama
Salamat at Ika’y aking gabay
Panginoon, samahan Mo akong nagkamali
Kung sa’ng landas ako tatahak
nang ‘di na madapang muli
At kung sakaling may
bagyo, yakapin Mo ako
Panginoon, ako’y samahan Mo
Lahat ay gagawin, iaalay sa ‘Yo
Handog ay pasasalamat at ako’y binago Mo
Buong puso’t katapatan
ang pagpupuri sa ‘Yo
Walang hanggang Ika’y paglilingkuran
Panginoon, samahan Mo akong nagkamali
Kung sa’ng landas ako tatahak
nang ‘di na madapang muli
At kung sakaling may
bagyo, yakapin Mo ako
Panginoon, ako’y samahan Mo
Aanhin pa ang lahat mga yaman sa mundo
Kung sa puso ay mayro’ng
kirot na sa ‘Yo’y gumugulo
Aanhin pa ang lahat buhay ay ‘di sapat
Kung ang kapalit ay kamalian ko
Panginoon, samahan Mo akong nagkamali
Kung sa’ng landas ako tatahak
nang ‘di na madapang muli
At kung sakaling may
bagyo, yakapin Mo ako
Panginoon, ako’y samahan Mo
Panginoon, ako’y samahan Mo