menu-iconlogo
logo

May Minamahal

logo
歌詞
May minamahal

Bawat taong may damdamin, may minamahal

Tulad mo at tulad ko

Nakadama sa isa't isa ng pag ibig

At ngayo'y nagmamahalan ng tapat

'Pag nagmamahal

Bawat sandaling kasiping

ka'y anong bilis

Bawat oras ay mayro'ng

Kasaysayang anong sarap, anong tamis

Maligaya nga ang taong nagmamahal

Coda:

Kaya ako'y napaligaya

Ng tunay mong pagmamahal

Ang lahat ng katangian ay na sa'yo

Ningning ng mata, lambot ng labi

At ugaling walang kapintasan

Nababalot ng alindog, katawang tunay

'Pag minamahal

Kulay rosas ang paligid ko

Sa tuwi tuwina nakayapak sa ulap

Buong mundo'y nagagalak

Na mayroong nagtatalik na dal'wang

Pusong nagmamahal

Kaya't tayo'y magpasalamat

sa ating kapalaran

Nasa atin ang kaganapang hinahanap

Ng bawat nilalang na may puso rin

Dahil tayo'y hindi magbabago

hanggang may buhay

May minamahal

Bawat taong may damdamin

May minamahal

Tulad mo at tulad ko

Nakadama sa isa't isa ng pag ibig

Kaya't habang may pag asa kayo

Humanap ng pag ibig na totoo

Saka lang liligaya

Kung mayron ng tunay na minamahal

Ohhh... May minamahal

Bawat taong may damdamin

ay may minamahal

Tulad mo at tulad ko

Nakadama sa isa't isa ng pag ibig

Kaya't habang may pag asa kayo

Humanap ng pag ibig na totoo

Saka lang liligaya

Kung mayron ng tunay na minamahal

May minamahal...

May Minamahal Rachel Alejandro - 歌詞和翻唱