Hindi kita iiwan
Ang sagot ko sa puso
mong laging nagtatanong
Hindi kita masisisi,
ako ma'y nangangamba
Pagkat hindi natin
batid ang ating bukas.
Halik na nagbibigay pag-asa
Mga yakap na nag-aalis ng pangamba
At ang pag-ibig natin sa isa't isa
Ang tangi nating laban
sa lupit ng buhay.
Ninais nating umibig
Gayong tutol sa atin ang panahon
Tinangka nating mangarap sa
mundong sadyang mapagkait
Ngunit anuman ang mangyari
sa 'ting pagma-mahalan
Mahal ko, laging umaasang...
Hindi kita iiwan
Hinding-hindi kita iiwan.
Ninais nating umibig
Gayong tutol sa atin ang panahon
Tinangka nating mangarap sa
mundong sadyang mapagkait
Ngunit anuman ang mangyari
sa 'ting pagma-mahalan
Mahal ko, laging umaasang...
Hindi kita iiwan
Hinding-hindi kita
Iiwan.
Hindi kita iiwan
Hinding-hindi kita
Iiwan