Kahit na matagal
Na tayong dal'wa'y naghiwalay
At ngayo'y nilalakad mong altar
Na may kasabay
Ang sabi mo nga, siya ang 'yong mahal
At ang nangyari sa atin
Di magtatagal, malilimot rin
Yan ang sabi mo sa akin
Ngunit pa'no na
Kung mapasyalan kayo sa 'ting
At masalubong mong mga taong
Ating mga naging kaybigan
Hahanapin nila dati mong kasama
Sasagot mo naman ay wala na siya
Malilimot mo ba kung
Laging nandiyan ang alaala?
Maaalala mo pa rin
Ang mga halik ko
Maaalala mo pa rin
Ang mga yakap ko
Maaalala mo pa rin
Maaalala mo pa rin
Nasan ka man sana’y dinggin,
Puso ko ay muling mahalin
Ang nagdaan muling balikan,
Muling buhayin ang pag mamahalan
Pa’no ang gagawin ko,
Nasana’y na sa piling mo
Sana’y hindi tayo nagkalayo,
Sana’y naririnig mo
Hindi ko kaya ang limutin kita,
Masdan mo lumuluha ang aking mga mata
Pilitin ko man ako’y nasasaktan,
Ang katotohanan ay mahal pa rin kita
Hindi ko kaya ang limutin kita,
Masdan mo lumuluha ang aking mga mata
Pilitin ko man ako’y nasasaktan,
Ang katotohanan ay mahal pa rin kita
Mayro'n akong gustong malaman
Kung tunay ba ang 'yong pagmamahal
Dahil minsan, ako'y iniwan na
Nang di ko alam ang dahilan
Talagang ganyan, puso'y di maintindihan
Nagtatanong kung sino ang mahal
Kahit sino, basta't mahal ako
Kahit sino, basta't kasama ko
Sana'y di ako nagkamali
Ng iibigin ko
Dahil pag ako ang nagmahal
Ito ay totoo.
Paminsan minsan ang
alaala mo'y nagbabalik
At aaminin ko hanggang ngayon
Ika'y iniibig
Hinihiling ko na kahit nasaan ka man
Isipin mo ako kahit paminsan minsan lang
Paminsan minsan
Tinititigan larawan mo
Unti unting pumapatak ang luha ko
Pinagsisihan lahat ng aking pagkukulang
Kaya ikaw nga sa akin ay lumisan
Kahit ngayon mayro'n akong iba
Kahit sinasabing mahal ko s'ya
Sa puso ko ikaw pa rin ang mahal ko
Paminsan minsan ang
alaala mo'y nagbabalik
At aaminin ko hanggang ngayon
Ika'y iniibig
Hinihiling ko na kahit
nasaan ka man ngayon
Isipin mo ako kahit paminsan minsan lang