At tinangay ka na ng hangin
Papalayo sa akin
Wala nang iisipin
Kahibangan ko'y natapos din
Nasanay na akong magulo ang mundo
Nasanay na akong malayo sayo
Wala na kahit pa maganda mong
Alaalang nakakapit
Aalisin ko na rin
Ang larawan mong nakasabit
At tinangay na rin ng usok
Naglaho na at may tuldok
Di na makakapasok
Tapos na ako sa pagsubok
Alam ko nang may tama ang mali
Alam ko nang ang sobra'y may sukli
Dahil ang isang katulad mo'y
Liwanag na marikit
At ako ang gamu gamu
Na sa iyo'y napalapit
Akala ko'y langit (akala ko'y langit)
Bakit ang init (bakit ang init)
Lagi na lang nag aakala
Dahil sa pagtitiwala
Akala ko'y langit(akala ko'y langit)
Bakit ang init(bakit ang init)
Huli man daw ang pagsisisi
May umaga naman pagtapos ng gabi
Alam ko nang may tama ang mali
Alam ko nang ang sobra'y may sukli
Dahil ang isang katulad mo'y
Liwanag na marikit
At ako ang gamu gamu
Na sa iyo'y napalapit
Akala ko'y langit (akala koy langit)
Bakit ang init (bakit ang init)
Lagi na lang nag aakala
Dahil sa pagtitiwala
Akala ko'y langit (akala koy langit)
Bakit ang init (bakit ang init)
Huli man daw ang pagsisisi
May umaga naman pagtapos ng gabi
At tinangay ka na ng hangin
Papalayo sa akin..