Iniibig Kita 
Hindi ko na sana pinagmasdan 
Ang iyong kagwapuhan 
At hindi na rin pinansin pa 
Bawat ngiti mong may gayuma 
Dahil sa akala ko, hindi ako iibig sa 'yo 
Ikaw pala ang aakit sa puso ko 
Kaya ngayo'y laging gulong-gulo 
Ang puso ko't isipan 
Araw-gabi ay pangarap ka 
At sa tuwina'y nababalisa 
Dahil  ang puso ko'y 
Labis na umibig sa 'yo? 
Hanggang kailan matitiis 
Ilihim ang pag-ibig ko? 
Ano ang gagawin sa utos ng damdamin? 
Para bang hangin na kay hirap pigilin 
Sana'y unawain ang pusong sa 'yo'y baliw 
Nais kong malaman mo na iniibig kita 
Hindi ko na sana pinagmasdan 
Ang iyong ganda 
At hindi na rin pinansin pa 
Bawat ngiti mong may gayuma 
Dahil sa akala ko, hindi ako iibig sa 'yo 
Ikaw pala ang aakit sa puso ko 
Ano ang gagawin sa utos ng damdamin? 
Para bang hangin na kay hirap pigilin 
Sana'y unawain ang pusong sa 'yo'y baliw 
Nais kong malaman mo na iniibig kita 
Nais kong malaman mo na iniibig kita 
Nais kong malaman mo na iniibig kita 
_WILNIFE & PARES_ 
_BSS LEGENDS_