Sa pagkumpas ng iyong kamay
Aking landas ginagabay
Nag- iisang tiyak sa isang libong duda
Silong sa iyak at pagluluksa
Kung puso ko ay imamapa
Ikaw ang dulo gitna't simula
Nahanap din kita
Nahanap din kita
Ohh
Ohh
Maligaw man
At mawala
At umikot man
Sa kawalan
Sa bawat kailan
Sino't saan
Ikaw lamang ang
Kasagutan
Bawat kanan
At kaliwa
Kung timog man
O hilaga
Ang bawat daan ko
Ay patungo
Ay pabalik
Sa 'yo
Kay tagal ng lumulutang
Walang pupuntahan walang dahilan
Parang ulap na walang dalang ulan
Kamang walang kumot at unan
Bihag ako ng pagtataka
May saysay ba ang paglalakbay
Ngunit
Nahanap din kita
Nahanap kita
Ohhh
Ohh
Maligaw man
At mawala
O umikot man
Sa kawalan
Dahil sa bawat kailan
Sino't saan
Ikaw lamang ang kasagutan
Bawat kanan at kaliwa
Kung timog man o hilaga
Ang bawat daan ko
Ay patungo
Ay pabalik
Sa 'yo
Ohhh
Sa iyo
Ooh ohh
Ay pabalik
Sa 'yo
Ohhh
Kung ang puso ko ay imamapa
Ikaw ang dulo ang gitna't simula
Ohhh
Ikaw
Ikaw