logo

Panata't Pag-Ibig (feat. Bayang Barrios)

logo
الكلمات
Ang ating pagsinta'y wala sa kalawakan

Ako ay di araw ikaw ay di ang buwan

Ang ating pag-ibig wala sa alapaap

Di sa himpapawid at mga ulap

Sa gitna ng agam-agam

Sa piling ng pangangamba

Kakambal ng kasaysayan

Itong ating pagsinta

Ang pagsubok at panganib

Ang panahon na ligalig

Ang siyang magpapanday sa ating

Panata't pag-ibig

Ikaw ay apoy at ako ay hangin

Alab at lamig sa liwanag at dilim

Tayo'y mga punong matayog ang pangarap

Ngunit sa lupa'y laging nakaugat

O pawis at dugo

Ang magpapalago

Sa ating pagsuyo

Sa gitna ng agam-agam

Sa piling ng pangangamba

Kakambal ng kasaysayan

Itong ating pagsinta

Ang pagsubok at panganib

Ang panahon na ligalig

Ang siyang magpapanday sa ating

Panata't pag-ibig

Kung paano magsasanib ang dalawa nating daigdig

Ang siyang magpapanday sa ating

Panata't pag-ibig

Panata't Pag-Ibig (feat. Bayang Barrios) لـ Cooky Chua - الكلمات والمقاطع