logo

Tanging Ikaw

logo
الكلمات
Hindi mo na ba kayang magtagal

Ikaw ba'y nahihirapan na

Kaya gumagawa na ng paraan para ika'y iwanan na

Palagi mong tinatanong kung bakit andirito

Kahit na sinasabi mong pagod ka na

Umaasa akong nasasabi mo lang lahat ng yan kasi nagagalit ka

Pasensya na kung hindi ko kayang bumitaw

Kasi ang natitira na lang para sa akin ay tanging ikaw

Tanging ikaw na lang

Tanging ikaw na lang

Tanging ikaw na lang

Tanging ikaw na lang

Ikaw ang pinangarap makasama ko sa tuwing

Malamig ang panahon ikaw ang naging katabi di na bagong maglambing

Dahil ikaw ang mundo kahit minsan magulo

Di papatalo

Di naman na tayo mga bata para di natin malaman ang tama sa mali

Patawarin mo ko minsan ay di na

Katulad ng dati na masaya

Pero ayos lang basta't ikaw ang aking kasama sa hirap at ginhawa

Pasensya na kung hindi ko kayang bumitaw

Kasi ang natitira na lang para sa akin ay tanging ikaw

Tanging ikaw na lang

Tanging ikaw na lang

Tanging ikaw na lang

Tanging ikaw na lang

Naalala ko pa noong nakita kita

Hindi ko na malilimutan ang iyong mga mata

Mala bituin sa ganda ako'y tinamaang bigla

Kaya ako'y nahihirapan na iwanan ka

Kaya kung ano man ang gusto mong gawin

Ako'y nandito lang at balak kitang hintayin

Alam kong ayaw mo na

Pasensya ka na

Pasensya na kung hindi ko kayang bumitaw

Kasi ang natitira na lang para sa akin ay tanging ikaw

Tanging ikaw na lang

Tanging ikaw na lang

Tanging ikaw na lang

Tanging ikaw na lang

Mahal pakiusap lang wag ka naman ganyan

Kahit na nasasaktan mo ko madalas hindi pa rin makayang

Talikuran ka't kalimutan ang mga panahong na puro kasiyahan lang

Na nadarama kapag kasama ka na tila di na makikita sa iba

Kaya mahal di kita bibitawan

Di kita iiwanan

Ikaw ay paglalaban ko

Di kita susukuan kahit mahirapan yan ang panghawakan

Pasensya na kung hindi ko kayang bumitaw

Kasi ang natitira na lang para sa akin ay tanging ikaw

Tanging ikaw na lang

Tanging ikaw na lang

Tanging ikaw na lang

Tanging ikaw na lang

Tanging Ikaw لـ Jom/Clien/ALLMO$T/Ijiboy - الكلمات والمقاطع