Intro
Sinag ng ‘Yong araw sa‘kin ay gumigising
Yakap sa paglakad, hangin Mo na kay lambing
Lupa Mo ang sumasalo kapag nadarapa
Lawak ng Iyong langit sa‘kin ay pumapayapa
Koro
Ikaw ang panyo ‘pag ako’y umiiyak
Ikaw ang payong t’wing ula’y pumapatak
Ilaw Ka sa aking madilim na daigdig
Ikaw ang aking Dios na sa aki’y umiibig
Pag ako’y nauuhaw, tubig Mo ang panlunas
Salita Mo’y pagkaing nagbibigay lakas
Liwanag ng ‘Yong buwan sa gabi ay kapiling
Bituin Mong kay ningning, bantay ko sa paghimbing
Ikaw ang panyo ‘pag ako’y umiiyak
Ikaw ang payong t’wing ula’y pumapatak
Ilaw Ka sa aking madilim na daigdig
Ikaw ang aking Dios na sa aki’y umiibig
BRIDGE
Kabutihan Mo’y nakikita sa‘Yong mga gawa
Pag-ibig Mo ay laging nadarama
Salamat Ama
CHORUS 2
Dahil Ikaw ang aking Dios ‘pag ako’y umiiyak
Ikaw ang Dios t’wing ula’y pumapatak
Ikaw ang Dios sa aking madilim na daigdig
Ikaw ang aking Dios na sa aki’y umiibig
CODA
Ikaw ang aking Dios na aking iniibig