menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

KASALUKUYAN - BK

Geo Onghuatong
💕💦ꌃꀎ꒒ꂦ꒒huatong
Liedtext
Aufnahmen
BANANA KREW

Maraming nasisirang buhay dahil sa kalibugan

Nakakagawa ng mali't nawawala sa katinuan

May lalaking lahat ng babae gustong mahipuan

Alam kong alam nyo na mali po yan

Mag-aaral na madalas pa sa inuman, kesa sa paaralan

Naka-lock pintuan wala ng hintuan

Mga batang babae na pag nasa inuman

At nahipuan ta's nalibugan lahat nakakalimutan

Pag nagbunga dahil pinairal landi niya tiyak

Meron na namang pamilya na walang wala sa lipunan

Kasi ginagawa pa din di naman napag-ipunan

Pag ang hinaharap di maharap tatalikuran

Lalaking nakikipagtalik kung kani-kanino

Pag nakabuntis di mo na makita maski anino

Ang obligasyon sa bata ay kakalimutan

Kawawang sanggol nakaranas agad ng kabiguan

Di ko naman nais na pakialaman ang buhay mo

Napansin ko lang kasi na ang haba na ng sungay mo

Nagkakandarapa sa pagkayod nanay at tatay mo

Anong tingin mo sa kanila sa bahay nyo alalay mo?

Puro damo bato damo bato

Yan ang lagi niyong bukambibig ano ba 'to

Sabog ka lang pakiramdam mo astig ka pag nakasinde

Feeling king oo king ng mga walang silbe

Ibenta mo na utak mo kung di mo ginagamit

Pagkat agwat ng utak niyo ni Geo di malapit

Pag pinaisip mo ng kalokohan punong puno

Ang utak pero pag seryosohan tuyong tuyo

Tumatanda ka ng batugan, wala kang pakinabang

Wala ka pang diskarte panay ka kasi yabang

May pangarap ka rin ba na gusto mo makamit

Oh nag-aantay ka lang ng bagong usong pananamit

Mas inuuna pa ang bisyo kesa humanap ng piso

Ba't ka ba ganyan ba't sobrang landi mo ano?

Nalang kaya ang mangyayare sayo

Kung itutuloy mo pa rin pagiging laging ganto ha?

When we look at our lives today

Lagi na lang udlot, laging may nasasayang

Laging, hindi tayo makaabot sa standard

Kaya ayaw sa bahay nila

'Asa bahay sanglaan, bahay inuman, bahay sugalan

Bahay ng mga babaeng hindi lumilipad

Bahay ng mga lalaking di mo alam kung lalaki

Iba ibang bahay

Pero yung lahat ng bahay na yun

Ay mga, bahay na, kulungan

Akala mo masaya ka but you are actually

Limited, pagka nakabilanggo ka

Limited ka, restrained ka

Hindi mo maeenjoy ang talagang gusto mong enjoy

Ang ineenjoy mo lang akala mo nagbibigay ng enjoyment but

It is always bitin!

Sobra ka kung manghingi ng pambaon

Di naman pumapasok nagdodota ka lang maghapon

Pagdating ng panahon sigurado bagsak ang grado

Nakakapanghinayang ang mga ganyan na tao

Sandamakmak ang pagkakataong nasayang

Nung napahiga di na nakabangon sa kamang

Merong bed sheet ng kamalasan

Niyapos yapos nilaway lawayan ang unan ng katamaran

Nagkanda baon baon ka na nakaraang taon

Kakaadik hanggang ngayon ano, sanay ka na ng ganun

Habangbuhay ka na lang bang magpapa-alipin sa kahirapan

Ang haba ng listahan sa tindahan para sa pangangailangan

Tatlong libong piso para sa paboritong bisyo

Pag giyang na't aburido shabu doon shabu rito

Mga sir paalala lang di na uso ang lagay

Huwag niyong sisihin si Duterte kapag ka may namatay

Malalaswang galawan ng mga pasok sa P Big Brother!

Tipong kakakilala lang sila na kagad 3 days after

Diba't yan ang natututunan niyo kakapanuod

Inuunang pagandahin ang labas kesa panloob

Para may pang walwal nanakawan pati magulang

"Anak ba't ka ba ganyan san ba kami nagkulang"

Wala ka lang pake kase bingi ka na

Ang naririnig mo nalang ay "pare sindi ka pa"

At wag na wag na wag mong sisisihin kahirapan

Nagsisikap magulang mo para lamang maigapang

Ang iyong pag-aaral wala kang kasing yabang

Wala ka ding galang nakahiga lang

Dakilang walang pakinabang...

Sa pamilya

Yung mga anak na matitigas ang ulo

Yung mga anak na naglalayas

Wala siyang proteksyon ng kanyang mga magulang

Gusto magsarili, ayun

Imbis na mag-aral, hindi nakapag-aral

Sa mga magulang niya pinag-aaral siya

Ayaw nya, ayun, nag-stand by

Yung ibang mga kapatid nakatapos na siya stand by pa din

Uuwi yan ng bahay after many5x problema's

Either may tama na, o nalagpasan na siya

Ng pagkakataong mag-aral pa at makaabante sa buhay

Karanasan ko rin sa buhay ang aking pinanghugutan

At saktong ito ang nangyayare sa kasalukuyan

Makiuso pag may uso, yan ay sakit na natin

Pero di yan tama dapat ang sarili ay hanapin

Ang pinakamali sa lahat ng pagkakamali

Yung di mo alam na meron kang ginagawang mali

Ituwid natin ang baluktot nating nakaraan

Gawing tama ang ating mga maling karanasan

BK uploads

Mehr von Geo Ong

Alle sehenlogo

Das könnte dir gefallen

KASALUKUYAN - BK von Geo Ong - Songtext & Covers