menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Walang Bago

Geo Onghuatong
cardbattle02huatong
Liedtext
Aufnahmen
Minsan ba 'di mo na alam ang gagawin mo

Nag tatrabaho alas otso hanggang alas singko

Nakakapag pahinga ka lamang pagka linggo

Pero bakit madalas ka paring salatin oh

Kahit alam mo naman na ikaw ay walang bisyo

Tinawaran lahat makatipid lang ng piso

Kung pupunahin mo tila parang may mali bro

Nandiyan ka diba pare para sa pag asenso

Teka sino nga ba ang dapat na sisihin

Tayo ba o yung biglang pagtaas ng bilihin

Tumaas na lahat yung sahod mo ganun parin

Kakarampot lang kapus parin kahit anong gawin

Ang tagal pa mag pasahod ni boss 'wag kang mainipin

'Wag mainipin yung pamilya ko walang kakainin

Sa inyo oo madali lang yan sabihin

Kami para makaka kain kailangan mag paalipin

Sa inyo oo madali lang yan sabihin

Kami para makaka kain kailangan mag paalipin

Babangon alas kwatro papasok sa trabaho

Mag aabang sa kanto araw araw walang bago

Walang bago walang bago (walang bago walang bago oh)

Araw araw walang bago

Babangon alas kwatro papasok sa trabaho

Mag aabang sa kanto araw araw walang bago

Walang bago walang bago (walang bago walang bago oh)

Araw araw walang bago

Hmm teka muna 'lika dito sandali

'Di mo ba napapansin na parang meron nang mali

Alam naman natin nung unang 'di 'to madali

Kailangan kung gawin para sa ilang libong salapi

Nakataya ang buhay ko kada uwi ko sa gabi

Mga mahal ko pa sa buhay ay hindi ko katabi

Buti sana kung meron benepisyong malaki

Sa trabaho kulang na sahod binibitin pa kami

Napaka hirap talagang maging trabahante

Bihira ka pa sa bihira mabakante

Bayad sa upa na malaki pa balanse

Kaya kaya 'di ka pwede basta basta pakapante

Pambayad sa buwis pang kain pamasahe

Papasukin ko na yan pare meron pa bang bakante

Ayos lang kahit na ako'y 'di na mabakante

Basta lang sa byahe ng buhay ay maka abante

Babangon alas kwatro papasok sa trabaho

Mag aabang sa kanto araw araw walang bago

Walang bago walang bago (walang bago walang bago oh)

Araw araw walang bago

Babangon alas kwatro papasok sa trabaho

Mag aabang sa kanto araw araw walang bago

Walang bago walang bago (walang bago walang bago oh)

Araw araw walang bago

Pamasahe ko pang kain ko pambayad ng renta

Tamang mabuhay nalang buhay ko wala nang kwenta

Kuryente tubig at plan ng telepono

Marami pang iba hindi sapat ang sinweldo ko

At alam mo kung ano pang mas nakaka badtrip

Yung mga katrabaho ko na ang paplastik

Ganun na nga napunta pa ako sa among mabagsik

Nagka sakit lang ako 'wag na kagad akong babalik

Mukhang kailangan ko na yata ng mentalidad na bago

Mahirap ang mabuhay pag hindi ka nagtrabaho

Pero para san ang buhay kung hindi ka masaya

Tunay na ligaya ng buhay hindi na madama

Dahil sa mga patong patong mong obligasyon

Ikaw narin ang mga napabayaan mong relasyon

Ang kantang 'to ay 'di para sa lahat ng mga tao

Para lang 'to doon sa gusto na nang pagbabago

What's up

Babangon alas kwatro papasok sa trabaho

Mag aabang sa kanto araw araw walang bago

Walang bago walang bago (walang bago walang bago oh)

Araw araw walang bago

Babangon alas kwatro papasok sa trabaho

Mag aabang sa kanto araw araw walang bago

Walang bago walang bago (walang bago walang bago oh)

Araw araw walang bago

Babangon alas kwatro papasok sa trabaho

Mag aabang sa kanto araw araw walang bago

Patanda na tayo nang patanda lakas ng katawan natin

Pawala nang pawala lahat tayo mamamatay

Pag dating ng panahon kaya lahat ng gusto mong

Gawin gawin mo na ngayon mabuhay ka hangga't

May buhay ka pa wala ka nang magagawa

Pag nasa hukay ka na tandaan

Mehr von Geo Ong

Alle sehenlogo

Das könnte dir gefallen

Walang Bago von Geo Ong - Songtext & Covers