"Mata ng Diyos"
By: Wolfgang
Uploaded By: ____mars____
>>> >> >
Sa pagmulat ng aking mata
Ako'y ginising ng ihip ng hangin
Ang sikat ng araw makulay
Sa tabi ng ilog parang may
tumatawag (napabulong)
Ako'y lumapit sa puno'y may natanaw
Dumilim ang araw
Bumigat bigla ang aking dibdib
Tibok ng puso'y bumilis
Ako'y hindi mapakali
Ako'y naduduwal
Sa pagtitig ng kanyang mata
Ako'y kanyang hinusgahan
Ligaya kong naramdaman
Binawi sa akin
At hindi ko maalala
Kung saang galing ito
Mga bahid ng dugo
Dumikit sa aking mga kuko
Tumakbo lumayo sa lugar nato
Lalamunan ko'y tuyong-tuyo
Tumatakbo lumalayo sa titig mo
Sa mata ng Diyos
.....adlib.....
Biglang umikot ang paningin
Liwanag ng araw biglang dilim
Malambing na ihip ng hangin
Ngayon ay matalim
Ako'y nawala saking sarili
Pati ang lupa'y gumanti
Bato't bundok at puno man
Sumisigaw sumisigaw
At ngayon ko nakikita
Ang lahat ng kasalanan
Tinaboy sa ulan
Init at kamunduhan
Tumakbo, lumayo sa lugar na 'to
Lalamunan ko'y tuyung-tuyo
Tumakbo, lumayo at magtago
Sa mata ng Diyos
Mata ng Diyos...
Inalok ako ng isang ahas
Pula't matamis na mansanas
Pilit ko man hindi makaiwas
Sa mata ng Diyos
====== END ======
Thanks and Enjoy!!
____mars____