At naglaho
Ang liwanag sa dilim
Walang ingay
Ngunit nakakabingi
Bote ng alak
Na hindi nabuksan
Mga sigarilyong
Ubos na ang apoy
Kaibigan
Saan ka na ngayon
Ako'y naghihintay dito
Sa pagdating ninyo
Kaibigan
Ilang oras ang lumipas na
At wala pa
Ang anino ninyo lamang
Kaibigang tunay ka ba
Wala na ba ngayon
Ang samahan natin
Wala na bang kwento
Ang tahimik naman dito
Tumatawag
Walang sumasagot
Nagsisisi
May kasalanan ba ako
Habang ikaw ay nandito
Kaibigang tunay ka ba
Tulungan n'yo ako
Upang magising
Ang natutulog kong mundo
Ang natutulog kong mundo
Ang natutulog kong mundo
Ang natutulog kong mundo
Ang natutulog kong mundo