Nang una kitang masilayan alam ko na
Na ikaw ay para sakin at ako namay binuhay
Upang ikay mapaligaya at pagsilbihan
Araw araw man at sa gabi
Kahit na hindi mo pa ako kilala
Nais ko sanang ipabatid sayo ang aking nadama
Ako ay tila ba naakit
Halimuyak ng pagibig lumalapit
Di ako papayag nang gabing itoy sumapit
Nang hindi ka nakikilala
Ang ganda mo
Pwede ba ako manligaw sayo
Kaso nga lang merong problema
Meron na atang nagmamay ari sayo
Sana maging akin ka
At ako naman ay maging sayo
Ang pagibig ay pagsaluhan natin
Pangako ko di kana muling luluha
Dahil ikaw lamang at wala ng iibigin
Hawak ng isipan ko palagi
Ang mga larawan mo
Kaylangan mo ata ng isang lalaki
Na mag aalaga ng lubos sayo
Ibubuhos sayo lahat ng oras nya
Di ka pababayaan
Yung tipong di hahayaan
May luhang pumatak sa iyong mata
Handang umalalay upang hindi ka madapa
Kaya kong gawin yon
Kung hahayaan mo lang ako
Na pumasok sa mundo mo
Ituturing kang prinsesa ko
Kung mapapa sakin kalang
Wag kay Tuglaks puso moy wawasakin nya lang
Sana maging akin ka
At ako naman ay maging sayo
Ang pagibig ay pagsaluhan natin
Pangako ko di kana muling luluha
Dahil ikaw lamang at wala ng iibigin
Teka lang miss
Wag kang maniwala sa dalawang yan
Dahil magaling lang silang magsalita
At pag nakuha kana iiwanan kalang din
Katulad ng iba nilang nabiktimang lumuha
Mararanasan mo ang labis na kalungkutan
At paglutang at kulang nalang ay mapapaluhod ka sa lupa
At kusang aabutin ng buwan bago ka matauhan
Kilala ko na sila kaya makinig ka sakin
Ayaw kitang mapahamak di sila karapat dapat
Gusto lang kitang mapabuti at iwasan
Ang puso moy masaktan at magkalamat
Di naman sa ako ay nakikialam
Diren naman sa ako ay nagmamayabang
Mamahalin kitang lubos sabihin mo lang
Kayat kung ako sayo sakin ka nalang
Sana maging akin ka
Dahil para sakiy langit ka
Ituturing kitang dyosa para sakin
Ikaw ang pinakamagandang nalikha
At kung mapapa sakin kalang
Wag kay Tuglaks at Curse One
Dahil puso moy wawasakin lang nila
Sana maging akin ka
At ako naman ay maging sayo
Ang pagibig ay pagsaluhan natin
Pangako ko di kana muling luluha
Dahil ikaw lamang at wala ng iibigin
Sana maging akin ka
At ako naman ay maging sayo
Ang pagibig ay pagsaluhan natin
Pangako ko di kana muling luluha
Dahil ikaw lamang at wala ng iibigin
Wala ng iibigin pa
Malamang sa piling moy langit na
Wala ng iibigin pa
Malamang sa piling moy langit na