menu-iconlogo
logo

Dear Biyenan

logo
Lyrics
Ooh-woah, ooh-woah, woah

Woah-oh, ooh-woah, ooh-woah, oh

Mula nung umpisang nakita ko siya at nakilala (Nakilala)

Alam kong siya na talaga ang gusto kong mapang-asawa (Mapang-asawa)

'Di ko po kayang mawala pa siya sa'kin (Sa'kin)

Lahat ay aking hahamakin para sa pagmamahalan naming dalawa

'Pagkat siya lang po ang nagpakita nang tunay na

Kahulugan ng pag-ibig sa'kin, nagbigay saya

Sa araw-araw naming pagsasama

Napatunayan ko pong totoo ang lahat ng ito

Kaya kahit saan pang simbahan

Handa ko pong pakasalan ang anak niyo

Hayaan niyo po sana kami

Na magsama na magsalo sa pag-ibig, sa pag-ibig

At magtabi nang pagmamahal

Nais ko lang po ay ang basbas niyo sa'ming dalawa

Magtiwala po kayo, kami makakabuo ng pamilyang maligaya

Ang nais ko lang ay anak niyo ay aking pakasalan

(Kahit saan mang simbahan para lang inyo 'hong malaman)

Sukdulan, hanggang langit aking nararamdaman

('Di na kaya pang ipagpaliban kaya sana po'y iyong payagan)

Na maihatid sa altar kaming dalawa ay ikasal, yeah, yeah, yeah

At buong buhay ko'y ilaan upang mapasaya lang sa'king piling ang inyong anak

Siya lang ang tinatanging babae (Babae), karugtong ng buong buhay ko

Kaya't sana ay pagbigyan magkasama kaming dalawa (Woah-oh)

Siya lang ang tinatanging babae (Babae), ang tulad niya sa'ki'y walang kapalit

Basta't alam ko lang tapat at lubusan ang pag-ibig ko sa iyong anak

Hayaan niyo po sana kami

Na magsama na magsalo sa pag-ibig, sa pag-ibig

At magtabi nang pagmamahal

Nais ko lang po ay ang basbas niyo sa'ming dalawa

Magtiwala po kayo, kami makakabuo ng pamilyang maligaya

May gusto pong sabihin ang aking mga labi

Kahit po naiilang, naiilang, sabihing akin na lang siya

Siya kasi, siya kasi masyado niyang pinaramdam sa akin na

Iba siyang mag-alaga kaya nandito po ako ngayon

Hindi makalingon, naghihintay po nang tugon galing sa inyo

Anumang desisyon, 'paglalaban ko po

Mangyari po, tayo'y magkasundo

Sa pinaka-espesyal na araw sa buhay ko

Sana'y payagan niyo na

Kaming dalawa'y magpakasal sa lalong madaling panahon

Hayaan niyo po sana kami

Na magsama na magsalo sa pag-ibig, sa pag-ibig

At magtabi nang pagmamahal

Nais ko lang po ay ang basbas niyo sa'ming dalawa

Magtiwala po kayo, kami makakabuo ng pamilyang maligaya

Kamusta po? (Kamusta po?)

Nawa'y nasa maayos, naparito po ako para idaos

Ang isang salo-salo kung tawagin ay hapunan

Samahan niyo po ako at ating pag-usapan

Sa totoo lang ang hirap pong ipaliwanag

Simpleng sagot ng "oo", gusto ko na mapanatag

Ang kalooban ng bawat isa'y yakapin

Pagbuklodin ang pag-ibig ang aking hangarin

Malinis at dalisay, pangako habang-buhay

Ko pong mamahalin ang anghel na nagpakulay

Na siya pong nag-aalis ng pagod niyo sa magdamag

Isang halik lang sa pisngi, walang utos niyang nilabag

Mga pangaral at pangako tanging yamang nakamit

Ito na po ang panahon para suot niya ang damit

Na siya pong magniningning sa araw na itinakda

At ang karwahe ng pagmamahal ang siyang magdadala sa amin sa altar

Hayaan niyo po sana kami

Na magsama na magsalo sa pag-ibig, sa pag-ibig

At magtabi nang pagmamahal

Nais ko lang po ay ang basbas niyo sa'ming dalawa

Magtiwala po kayo, kami makakabuo ng pamilyang maligaya

Salamat po dahil imbis sa pamilya niyo galing

Ang babaeng nakapagsabing mahal niya rin ako

Ramdam ko po ang pag-ibig, habang siya'y nakatitig sa akin

Siya po ang nagmulat ng salitang pagbabago'y

'Di malabo sa katulad kong naging bilanggo nang hindi matuwid na pagkatao

Siya po ang babaeng pinapangarap kong makasumpaang

Makasama sa darating pang panahon

At walang iwanan sa hirap o kasaganahan

Basbasan niyo po ako, itaga niyo sa bato

Ako po ay magiging mabuting ama ng inyong mga apo

Walang ibang hahangarin kung hindi mabigyan

Nang magandang kinabukasan ang pamilyang aming nabuo

Sa tulong po ninyo't gabay, kami ay maglalakbay

Sa lahat ng bagay buo at magkasundo

'Wag po kayong mag-alala, aalagaan ko po ang inyong prinsesa

Kami po'y magsasama sa matuwid na sistema

Isang pamilyang laging puno ng pag-ibig na taos

Mamumuhay nang maayos at laging may takot sa Diyos

Hayaan niyo po sana kami

Na magsama na magsalo sa pag-ibig, sa pag-ibig

At magtabi nang pagmamahal

Nais ko lang po ay ang basbas niyo sa'ming dalawa

Magtiwala po kayo, kami makakabuo ng pamilyang maligaya

Hayaan niyo po sana kami

Na magsama na magsalo sa pag-ibig, sa pag-ibig

At magtabi nang pagmamahal

Nais ko lang po ay ang basbas niyo sa'ming dalawa

Magtiwala po kayo, kami makakabuo ng pamilyang maligaya

Dear Biyenan by Breezy Boyz/abaddon - Lyrics & Covers