menu-iconlogo
logo

Kahit Alanganin

logo
avatar
Breezy Boyzlogo
phannara_pheav31logo
Sing in App
Lyrics
Alam mong ipinipilit kong

Kahit alanganin lahat ng mangyayari

Mabigat man sakin

Kahit alam ko na wawasakin

Mo lang ang pag-ibig na alay sayo

Ang langit koy ibigin ka ngunit alam kong sa isang banda

Ay hindi mag-iiba ang katotohanan na sa kanya ka

At hindi magiging akin habang buhay ko nalang bang nanaisin

Kahit imposible na mangyaring ikaw ay akin lang

Alanganin man ang sitwasyon

Ay hindi ko kayang pagpaliban pa ang aking nararamdaman

Pakiusap ko sanay

Hindi man tayo pwede hayaan mong sanay

Mapadamang pusoy luluha

Na nag-uutos na mahalin ka ng kusa

Batid kong mahal na mahal mo sya

Hindi mo kayang itaya

Kung anong nasimulan ng pusong hindi mapigil

Dahil sya ang nakauna sa ginintuang puso mo

Na pilit kong pinipitas sa puno ng pag-ibig mo

Pilit ko man hindi pakita o iparamdam

Bawat galaw at kilos koy napuno na ng pagdaramdam

Ang aking puso kahit na alam ko na ikaw ay kanya

Tignan man sa ibang anggulo hindi matanaw san banda

Nariyan kaya ko sa puso mo o sadyang wala

Dinarasal gusto ko sana magkaron ng himala

Kahit na alanganin ang dating ko sayo gusto ko sayo

Pilit mang ibaling ang pag-ibig sa iba gusto na sayo

Ang aking damdamin na gipit na gipit sa atensyon

Hindi mapaliwanag kung bakit nagkaron ka ng koneksyon

Sa aking buhay bastat ang alam ko lang ay pilit kong

Nilalabanan damdaming pakiramdam man ay litong

Lito na sa lahat ng bagay na nangyari

Masakit man sakin

Kahit alam ko na wawasakin

Mo lang ang pag-ibig na alay sayo

Batid kong mahal na mahal mo sya

Hindi mo kayang itaya

Kung anong nasimulan ng pusong hindi mapigil

Dahil sya ang nakauna sa ginintuang puso mo

Na pilit kong pinipitas sa puno ng pag-ibig mo

Ayokong nakikinig sa mga sinasabi nila

Na meron na daw naunang iba

Nagbaka-sakali lang naman na mapasakin

Kang tuluyan na magbago pa ang pag-ibig mo sa kanya

Na hanggang langit mong pinagsisigawan kahit nasasaktan

Akong paulit-ulit lang ang nangyayari ooohhh

Naghihintay na lumiwanag ang dilim naghihintay na sagipin

Ni kupido na sa pag-ibig ay sakim din

Dahil ang panain ang dalawang pusong alanganin

Na magsama sumasayang sandali

Laging umaasa kaso nasanay ka sa kanya

Kaya kahit alanganin ay sige sige lang

Batid kong mahal na mahal mo sya

Hindi mo kayang itaya

Kung anong nasimulan ng pusong hindi mapigil

Dahil sya ang nakauna sa ginintuang puso mo

Na pilit kong pinipitas sa puno ng pag-ibig mo

Pinagmamasdan ko lang at tinititigan ka habang

Ang mga pangyayari sa atin ay wala sa ayos at sadyang magulo

Kinukunsinti ka kahit na alam kong mahal mo pa

Pero walang magawa dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal

Masakin man sakin ngunit kailangan kong tanggapin

Isa lang ang puso bakit dalawa ang umaangkin

Hindi ko magawang magalit kundi lambing sa tuwing tumitingin

Hinihiling ko sayo na wag na sana

Alam mong masasaktan lang ako kaya wag mo na ngang ipakita

Mas gugustuhin ko pang iba ang magsabi sakin

Kaysa makita ko ng harapan baka hindi ko lang kayanin please