menu-iconlogo
logo

Daig Mo Pa Ang Ahas (feat. Mhyre)

logo
Lyrics
Madalas kitang makita't mapansin

Mata'y nakatingin nang masama't pailalim

Na para bang may maitim na binabalak sa kapwa tao

Puro kapahamakan at nakakatakot kang nilalang mistulang animal

Bituka'y halang at sadyang hangal

Ugali'y parang pusali, mabait kunyari

Pagtalikod mo'y yari ka sa buwitreng hari (buwitreng hari)

Mga mata'y huwag kang magsara

Baka bigla na lang siyang magpalit ng maskara

Tutunawin ka niya kahit matigas ka pa

At malalaman mo na lang pagnalimas ka na (pagnalimas ka na)

Iwas na kung may pag-asa pa

Huwag mo ng antayin mag-ala Satanas pa siya

At 'pag napansin mong nag-aayong ahas na siya

Ay simula pa lang yan ng una niyang maskara (maskara)

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)

Daig mo pa ang ahas

Kapatid, nakakabilib

Kasi daig mo pa ang ahas

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)

Daig mo pa ang ahas

Kaibigan ka pa man naturingan

Daig mo pa ang ahas

Animo'y aninong nakakabit

Kahit sino may demonyo nakalapit

'Di mo mang gusuhing makapanakit

Tuturuan ka niya kung pano'ng tamang pagkalabit

Ahas na 'di gumagapang sa sahig

Nakakalason ang lahat ng sinasabi ng bibig

At sa sandaling kailangan na niya ng pantawid

Ay tatablahin ka niya kahit turinga'y kapatid (kapatid)

Nilamon ng walang lunas na sakit

Makamundong inggit at may galit pang kalakip

Sipsip lang ng sipsip sa mga taong kalapit

Gusto puro pakabig hindi marunong magbalik

Bakit may mga tao na sabik makapanik

Sa magandang buhay kahit ang daan ay matarik

Iiwan ang kahapon at hindi na babalik

Handang gawin ang lahat

Kahit sa puwet pa hahalik (hahalik)

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)

Daig mo pa ang ahas

Kapatid, nakakabilib

Kasi daig mo pa ang ahas

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)

Daig mo pa ang ahas

Kaibigan ka pa man naturingan

Daig mo pa ang ahas

Mahirap mahulaan ang tunay na kulay

Pati ang bilang nang 'yong sungay

Isang tao pero parang aso

Malahalimaw na nag-aanyong payaso

Salamin, salamin

Ano ang 'yong nakita

Ahas na may kamay ba at dalawang hita

Lulutuin ka niya sa sarili mong mantika

Para siyang matandang may dalang manika

Kaibigan mong patalikod na manira

Ang kinahiligan ay ang manghulog at manghila

Tanging sandata niya'y matalim sa dila

Huli na para makipasaulian ng kandila

Hangad lang ay puro pansariling kaligtasaan

'Di mo mahulaan ang taglay niya na kapintasan

Mahusay kausap kapag iyong kabigkasan

Humanda ka na't baka sunod ka na sa listahan niya

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)

Daig mo pa ang ahas

Kapatid, nakakabilib

Kasi daig mo pa ang ahas

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)

Daig mo pa ang ahas

Kapatid, nakakabilib

Kasi daig mo pa ang ahas

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)

Daig mo pa ang ahas (daig mo pa ang ahas)

Daig mo pa ang ahas

Kaibigan ka pa man naturingan

Daig mo pa ang ahas

Daig Mo Pa Ang Ahas (feat. Mhyre) by abaddon/Mhyre - Lyrics & Covers