menu-iconlogo
logo

Katibayan (feat. Vlync)

logo
Lyrics
Whoo ako po si abaddon

Labindalawang taon ng aking musika

Ang aking katibayan

Akoy estudyanteng nakikipag sapalaran

Sa buhay na parang isang malaking paaralan

Sumunod sa utos at nagpasakop sa patakaran

Para makamtan ang kaalaman sa mga kalakaran

Inaral ang sistema na parang isang kawatan

Di nagpaiwan sa leksyon laging nasa harapan

Sa kadahilanan na ayokong akoy pagtawanan

Natutong pumukol ng tinapay na merong palaman

Mga turo ng guro sa puso ko lahat itinanim

Mga dulo at rurok ng tagumpay aking papanikin

Pagasa luha pagkadapa at mga sugat

Ang nasa likod ng lahat

Kung bat patuloy sa pagsulat

Tapos nako sa pakikipag palupitan

Mga letrang nalikha gamit ang malikot na isipan

Akoy mag aaral na nabuhay sa pagtula

Maayos nakapagtapos para sa bagong simula

Ngayon ay

Ngayon ay hawak ko na

Ang tanging mapapamana sakin ni ama't ina

Ang katibayan walang kasing halaga

Ang katibayan katibayan ang katibayan ko

Ang katibayan katibayan ang katibayan ko

Akoy estudyanteng nagsusunog ng kilay at balbas

Handang matuto sa buhay kahit dala lang ay pang angkas

Kung ibabase mo sa antas ng aking binagtas

Eh masasabi mong kabilang ako sa ibang klase

Ibat ibang guro't mga eskwelahan

Ibat ibang istorya't mga eksenahan

At masukal makulay walang humpay ang mga hamon

Kahit walang makain kaylangan laging may baon

Kahit may lason madaming di sang ayon

Pagal man kahapon ay pipiliting makabangon

Kahit na minsan ako ay pinang hinaan

Masasabi kong pinaghirapan ang pinag aralan ko

Isang makatang nagdildil at nagtanim

Ng mga letrang magagamit niyong liwanag sa dilim

Para sa aking pamilya malayong mararating

At kahit pa hindi ako ang siyang pinakamagaling ngayon ay

Ngayon ay hawak ko na

Ang tanging mapapamana sakin ni ama't ina

Ang katibayan walang kasing halaga

Ang katibayan katibayan ang katibayan ko

Ang katibayan katibayan ang katibayan ko

Wala ng kailangan pang patunayan

Katunayan sapat na ang katibayan

Para gamitin sa kabuhayan

Ilang taon na ring namang namuhunan

Para lang may matutunan

Upang sa pagka bata'y di mangulungan

Panahon na ng pag ani ngunit tuloy ang pagtanim

Dapat laging hasang hasa pulido't matalim

Kailangang mag aral kahit paligid ay maingay

Kailangang magpahusay para matirang matibay

Mga kaklaseng tingin sakin non ay bobo

Ngayon pag nasasalubong ang ngiti ay todo

Mga taong kasama sa aking masayang istorya

Mga taong galit sakin pero sakin din nangopya

Ayos lang dahil ngayon nagtatrabaho nako

Sumusweldo kahit pano balang araw may negosyo

Nagagamit ko na ang tanging mapapamana nila sakin

Patungo sa buhay ko na masagana ngayon ay

Ngayon ay hawak ko na

Ang tanging mapapamana sakin ni ama't ina

Ang katibayan walang kasing halaga

Ang katibayan katibayan ang katibayan ko

Ang katibayan katibayan ang katibayan ko