menu-iconlogo
logo

Eh Ano

logo
Lyrics
Puro sagabal at pagsubok

Diyos ko, ba′t nagkagan'to?

′Di ko matanto, ano ang dahilan

Para ako ay tawanan at tapakan n'yo?

Natalisod ka na nga ng tadhana

Ingungudngod ka pa ng mundo

Mga pakialamero, ako'y tigil-tigilan

Intindihin n′yo na lang ang problema n′yo

Eh, ano naman ngayon?

Kung ako'y nagkamali, kung ako′y napraning

O nadapa, naligaw, nasaktan o nabaliw man

Ako'y matigok man o matalo, kanya-kanyang trip lang tayo

Ako na naman ang hugot nila′t bulong-bulungan

Laman ng kuwentuhang walang patutunguhan

'Kala mo, ako′y may utang na loob at natulungan

Kung mangialam, naku, daig pa ang aking magulang

Sila daw 'yong perpektong taong 'pinanganak

Walang mabahong sikretong sa kanila′y malalanghap

Ang lalakas manira ng kapwa at manlibak

Kung magsiasta ay basura′t mahusay lang manindak

Mga walang kahambing, sila 'yong magaling magmagaling

′Pag may apoy, imbes na patayin, mas papalalain

Mga kakilala mong kung mag-isip ay paling

Simpleng maling nagawa mo, lalong papasamain

Sino'ng ′di mapapraning? Mundo'y ′di magugulo

Ang masiraan ka ng ulo, 'yon talaga'ng kanilang gusto

Para sa mga pakialamero at umaastang guro

Tigil-tigilan n′yo ′ko, hoy, Diyos ko po

Eh, ano naman ngayon?

Kung ako'y nagkamali, kung ako′y napraning

O nadapa, naligaw, nasaktan o nabaliw man

Ako'y matigok man o matalo, kanya-kanyang trip lang tayo

Ugh, ako′y lasing na naman

Mamaya-maya'y magwawala na sa daan

Eh, ano′ng paki mo? Hindi ka naman nasaktan

Gusto ko lang maglabas ng amats at magtapang

Gusto ko lang na paminsan-minsan magbaliw-baliwan

Para makatakas sa mundong pangkaraniwan

Lumabas sa saradong pinto

Wala kasi ako ditong makausap nang matino

Imbes na tanungin ka nila ng "Kamusta?"

Tutuksuhin ka pa ng mga mapanghusga

Matatapos lang sila, siguro 'pag ang paa mo'y nakapantay

At ika′y nakabarong na

Kung matigok man ako ngayon, dugo ko′y matuyo

Mapipigilan n'yo ba kapag dumating na ang aking sundo?

Para sa mga pakialamero at umaastang guro

Sige, yuko, tapos pakutos sa puyo

Eh, ano naman ngayon?

Kung ako′y nagkamali, kung ako'y napraning

O nadapa, naligaw, nasaktan o nabaliw man

Ako′y matigok man o matalo, kanya-kanyang trip lang tayo

Talagang nakakapikon

'Pag may nagbubulungang miron habang sa ′yo ay nakalingon

Eh, ano kung ako'y nabigo? Ano'ng paki nila ro′n?

Kaya ang sarap manapak ng ilong ng mga taong mahilig na magmarunong

Ang gagaling magsikontra, daig pa si lola

Hampasin ko kaya ng timon ′to o pasagasa sa pison

Ipalapa sa leon, turukan ng sosa

'Palunok sa anaconda ′tong mga tropang tsismoso't tsismosa

Eh, ano kung ako′y puno ng kamalasan

At ang siyang kataas-taasan ay hindi ko kasundo?

Nakakapagod man, pero laban lang sa ano man ang gusto

Ng kapalaran kong panay bato at pukol sa 'kin ng tukso

Bago pa ′ko tuluyang pumutok at makabasag ngayon ng bungo

Tigil-tigilan n'yo nga ako, at tumataas na ang aking dugo

Para sa mga pakialamero at umaastang guro

Heto ang aking gitnang daliri, pati ang hintuturo

Peace, ha-ha-ha-ha

Eh, ano naman ngayon?

Kung ako'y nagkamali, kung ako′y napraning

O nadapa, naligaw, nasaktan o nabaliw man

Ako′y matigok man o matalo, kanya-kanyang trip lang tayo

(Oh, ooh-whoa, oh, oh-oh) kanya-kanyang trip lang tayo

(Oh, ooh-whoa, oh, oh-oh) kanya-kanyang trip lang tayo

(Oh, ooh-whoa, oh-oh) kanya-kanyang trip lang tayo

(Oh, ooh-whoa, oh) kanya-kanyang trip lang tayo