Sa bawat buhay ng tao'y merong pagibig na nakahimlay
at ang tanging dapat mo lang gawin sa aki'y sumabay
halika na't gisingin natin ang tulog mong diwa
ibaba mo ang armas at sandatang nakakahiwa
sa pagkakataong ito hari aking opinyon
layunin ko'y magkaisa lahat nang relihiyon
bilyon ang tao sa mundo kung ating tutuusin
bawat tao ay may buhay na pwede ring tubusin
nang Diyos, ano mang oras handa man o hindi
madadaig mo ba si kristo sa kanyang pagtitimpi
habang, pasan ang krus at ipinakong walang laban
mahal ka nang Diyos hindi mo lang to nalalaman
minsan sa ating buhay merong suliranin
at hindi mo matanto kung sasapat ka ba o kukulangin
basta't mahalaga merong isang pagibig
umaasang may gabay na nandyan lang sating paligid
dahil tayo'y may…
Isang buhay, na my pagibig, yan ang kailangan ko.kailangan mo, at ng boung mundo. oh oh oh.
...2x...
Mahal ka nang diyos hindi mo lang to nalalaman
Ako'y nabuhay sa mundong hindi inabot ang ama
at inasa ang lahat saking nagiisang ina
ang mayakap sya't pasalamatan gusto ko pa sana
nang hindi hinahangad saki'y nakalaang pamana
ngunit, ako ay naligaw kayhaba na ng sungay
sa tuwing kakausapin niya ko mata ko'y mapungay
pinili kong daan iba sa karaniwang bata
impyernong itinuri, mas matindi pa yata
ang mapayapa at pangakong paraiso
ay ‘di mo makakamtan kung nasa bulsa mo ay piso
limutin na lang ano man ang maibigan
kung wala kang pera walang tapat na kaibigan
masaklap man ang inabot ko katulad ba sayo
istorya ko't maging sayo'y hindi naman nagkalayo
siguro nga pareho lang tayo nang naranasan
tuloy parin ang luha ilan beses man punasan
dahil meron kang…
Isang buhay, Isang pagibig, Kaibigan
kaibigan ko, kaibigan ko
Mahal ka nang diyos hindi mo lang to nalalaman
3rdDumalaw sa mga kaibigan para matulungan
sila na maibsan ang kalungkutan sa kulungan
yan ang aking gawain tuwing sasapit ang linggo
sa piling nang mga kasama kong nakabilanggo
sa mga kasama kopng nasa laya na may atraso
lihim na kung mamuhay at binilang na retaso
at isang pilas ng papel na nilamukos
kasalanan ba nila kung ang galit biglang mabuhos
at bakit ganon, pag sinabing Muslim ay matapang
pag sinabing taga Capiz mangkukulam, mambabarang
pagsinabing waray walang awa kung pumatay
at pag sinabing Filipino alipin habang buhay
ako ay Filipino isa rin sa kinakapos
tanong ko lang sino ba yung tinatawag nilang Diyos?
siya ba yung nakasama mo sa madilim na eskinita
at inakay ka sa may liwanag kahit ‘di mo siya nakita?…
Isang buhay, Isang pagibig, Kaibigan
kaibigan ko, kaibigan ko
Mahal ka nang diyos hindi mo lang to nalalaman
Sa bawat buhay ng tao may pagsubok na dumarating
kaylangan lang kayanin na tanggapin at harapin
hindi kaylangan pairalin ang pagdilim ng paningin
sapagkat nandyan lang ang Diyos….
Sa bawat buhay ng tao may pagsubok na dumarating