menu-iconlogo
logo

Pare

logo
Lyrics
Tol, ano ba′ng nangyari?

Ba't galit na naman si mare?

Lagi ka na lang nayayari

Magbago ka na kasi pare

Ano na naman pre ang dinala mo na kaguluhan

Mga aral na pinabaon ko sa′yo ay 'di mo matutunan

Ilan beses na nadagukan, nabatukan ka't napuruhan

Mukhang ′di ka matatauhan hanggang sa ikaw ay maputulan

′Di ka na nagsawa, ano ba naman pre tigilan mo ang paglandi

Ilang ulit ka nahuli ni mare

Kaya 'wag ka nang umarte, kasalanan mo′y 'wag itanggi

Payong kaibigan lang tol, ′di naman sa kaniya kumakampi

Kaso ang matindi baka dumating pa sa puntong naisipan niya gumanti

Ano ba'ng problema pre?

Nawala na ang dating ikaw na malambing

′Pag meron kang hinahanap ay hindi ka na sa kaniya nakatingin

Kung ituring mo na lang si kumare ay parang mannequin

Na nakaitim pa nasa dilim

Magbago ka pre kung ayaw mong maglaho kami

Uminom ka ng maraming kape sa tuwing ikaw ay nangangati

Pero kung wala ka naman na paki

Na makarne 'yong pinagmamalaki mo, malaya ka pre

Sa susunod 'wag kang papahuli pagbutihan mo, galingan mo kasi

Nakakaawa ka naman pare

Lagi ka na lang sa labas natutulog

Kabilang ka nga sa ibang klase

Kasi ′di ka natututo, ang tigas ng ulo mo

Tol, ano ba′ng nangyari?

Ba't galit na naman si mare?

Lagi ka na lang nayayari

Magbago ka na kasi pare

Ang daming takot mangapa sa dilim pero si pare iba

Pagka-sinabi mong dapat magbago ka na

Bukas may bago na siya

Iba talaga sa payo hindi aksayado kasi masunurin masyado

Ang sabi ko baka mahuli kayo, mas ginalingan niyang magtago

′Di ka ba natatakot, dami na kinakamot

Magkakaiba pa hagod sa dami ng problema mong hinahakot

Hindi ka ba napapagod? Lakas ng loob

Kasi kahit andaming gusot ay palaging nakakalusot

Kasi puro kutob lang si mare hindi niya mayari si pareng utog na utog

Ang hirap mo mapasunod halatang masama sa loob (yeah, yeah)

Lalo na 'pag sinasabi sa′yong masama sa loob (ooh)

Walang pinag-iba sa mga dati ko na napanood, pwera usog

Pero kung pa rin pasugod, karma na ang kasunod (oh)

Kung ako sa'yo ay ′wag mo na 'yung abangan (stop!, 'Wag!, No!)

Baka mabuang ka pagka- si mare naman nanabang, ewan ko na lang

Kung ano pa ba ang pwede magawa na paraan

Para ibalik ka sa katinuan

Unti-unti ka na naliligaw sa kawalan

Sa tigas ng ulo mo na nagkahawaan, taas, baba

Nakakaawa ka naman pare

Lagi ka na lang sa labas natutulog

Kabilang ka nga sa ibang klase

Kasi ′di ka natututo, ang tigas ng ulo mo

Tol, ano ba′ng nangyari?

Ba't galit na naman si mare?

Lagi ka na lang nayayari

Magbago ka na kasi pare

Pare ko ang tus′ mo malapit-lapit ka nang malumpo

Dahil ang utak mong gamunggo ay gustong-gustong nagpapatukso

Baka dumating ka pa sa puntong tingin niya na lang sa'yo ay multo

Tigil mo na ′yan bago pa maisip ni kumare na magpa-Tulfo

Oh, naku Diyos ko tapos ka, akala mo ba ito'y laro lang?

Na kapag nakasugat ka man, pwedе mong idaan sa simple na gamutan?

Pare ko, matakot ka baka makarma at mapakulam

Kaya bili mo na lang ′yan pera mo ng isang sakong bigas at ulam

Parе ko, labanan mo ang tukso ni Satanas

Dapat kang matuto kung ayaw mong matulog sa labas

Kung kasing lakas mo si Taguro siguro saka ka mag-angas

'Yung tipong 'pag pinalo ang ulo mo ng tubo, walang dugo na lalabas

At sa ′pag ika′y inaatake ng kamunduhan

Mabuti pang itulog mo na lang

Hinto mo na ang 'yong kabaliwan

Bago ka pa maligaw at mapunta sa magulo na daan

Pero mukhang gusto mo naman

Basta may katulad ko esudya na ′yan

Sanay ka na matulog sa daan, makuyog

Malamog ang iyong buong katawan

Nakakaawa ka naman pare

Lagi ka na lang sa labas natutulog (natutulog)

Kabilang ka nga sa ibang klase

Kasi 'di ka natututo, ang tigas ng ulo mo

Tol, ano ba′ng nangyari?

Ba't galit na naman si mare?

Lagi ka na lang nayayari

Magbago ka na kasi pare

Pare ko, gumamit ka ng kumot para ′di ka ginawin

Pare ko, magsindi ka'ng katol para 'di ka lamukin

Ang kulit mo kasi

Pare by abaddon - Lyrics & Covers