menu-iconlogo
huatong
huatong
Lyrics
Recordings
Kahit na ano mang sakuna kapit lang wag ka mag alala (lahat makakaya basta sama sama)

Kung minsa'y parang madadapa (parte yon diba)

Kapit lang wag ka mag padala (oo nga naman)

Kapit lang ano mang sakuna ito ay tatawid ano mang baliko wag ihinto itutuwid

Kung lumiko wag malito itoy mahahatid pauwi at pabalik pag ibig ang mananaig

Sa daming umaakay salamat hindi nangalay pag abot nyo ng kamay gintong galaw ang maalay

Musika ang ka agapay panahon na madilim taimtim mong sinubukan tagumpay ikaw salarin

Wag mo lang iindahin tayo din ay darating sentro puso mo sa gusto konektado sa maging

Ikaw wag ka lang bibitaw sayong natatanaw patuloy ka sa byahe ang tagumpay ay ikaw

Marahil dami ngang nabago simula palang nung simula

Siguro nga andito na kala wala wala lang kala nawawala na sa pag gagala (ah)

Dami napapala nakilala't katuwa ilan lang katuwang panahong laging lutang

Nag lilibang libang naparang nahihibang buti sa pagtapik agad nakabalik

Sa isang kalabit lahat nakapanik sagad agad layag hirap ipreno

Kaya eto bweno tapos na bwelo pumapareho kaya naman naki terno

Liit bagay maki bagay 'la nang pero pero

Kahit na ano mang sakuna kapit lang wag ka mag alala (lahat makakaya basta sama sama)

Kung minsa'y parang madadapa (parte yon diba)

Kapit lang wag ka mag padala (oo nga naman)

Kahit ano mang dami ng suliranin di pa pipigil pa titibag damdamin

Nag iisa ang aking grupo sa hangarin ngayon sigurado sa likha papalarin

Tagumpay namin ay tagumpay ng mundo maharlikang pag hubog saiyo ay bubuo

Wag kang papigil isulong mo ang totoo darating din ang araw huhupa na mga gulo

Masaya akong nakitang masaya kayo hindi lang labi naka ngiti pati mata ko

Pag-asa natin sa kultura muling itayo 1096 sa musika yan ay ang simbulo

Daming pagsubok sinalo mga pasakit sa mundo tinatamo mga pasa

Tanaw mo sa mata aking mga nadarama di na dapat pang sabihin kung alam mong magbasa

Pero di ka nawala noong wala kong magawa

Nagpatangay lamang sa hangin sabay tayong nawala

At lumaban hanggang sa tuluyang makawala sa kulungang mapanira nanghihila pababa

Kaya salamat sa pananatili aking kaibigan lagi kang nasa tabi di na kailangan pang sabihan

Dating mabisyo bumalik na nga sa wisyo di na ko ngayon perwisyo musika kinaadikan

Matagal tagal na din muli nung huling pagkikita wala na kong balita saking mga kababata

Sobrang dami ng nagbago pagtanaw sa salamin halos diko makilala yung sarili ko mamen

Ang bilis ng oras ang bagal ng panahon dating nakaposas dati ring nakakahon

Pero sayong pag alis dadating yung panahon na mababago mo lahat ng pagkakamali noon

Mahirap man ano mang mangyari o kahinatnan walang dapat katakot manindigan lang

Sa dulo bahaghari ay makakamtan

Kahit na ano mang sakuna kapit lang wag ka mag alala (lahat makakaya basta sama sama)

Kung minsa'y parang madadapa (parte yon diba)

Kapit lang wag ka mag padala (oo nga naman) kahit na ano mang sakuna (lahat makakaya)

Kapit lang wag ka mag alala (basta sama sama)

Kung minsa'y parang madadapa (parte yon diba)

Kapit lang wag ka mag padala (oo nga naman)

More From Guddhist Gunatita/Youngwise/Polo Pi/Ghetto Gecko

See alllogo

You May Like

Matsalab by Guddhist Gunatita/Youngwise/Polo Pi/Ghetto Gecko - Lyrics & Covers