menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Ala Ala Nalang

Hambog Ng Sagpro Krewhuatong
romino66huatong
Lyrics
Recordings
Una sa lahat gusto kong magpasalamat

Lalong lalo na sayo

Dahil kahit saan ako magpunta

Lagi mong hawak ang puso ko

Hindi ko ginusto ang

Ilayo ako sayo mahal

Ngunit ito ang desisyon

Ng tadhana at maykapal

Alam ko din akoy

Magtatagal sa lugar na ito

Na kung saan wala ka

Kaya kulang kulang ako

Hindi lang araw hindi lang

Buwan kundi ilang taon

Tayo ay 'di magkikita

Makakaya ko ba 'yun?

Sa tingin ko hindi, hindi ko kaya

Dahil ako'y mamamatay

Kapag wala ka, wala ka

Na dito sa aking tabi

Kaya 'di na mapigil

Ang luha

Gusto kitang makapiling,

Mayakap, mahalikan

Ngunit yun ang di ko pa makuha

Dahil ilang kilometro at milya

Ang distansya at ating pagitan

Pangungulila ko sayo yan

Ang resulta ng aking

Biglaang paglisan

Hindi ito madali sa'yo

Ngunit mas hindi madali 'to para sa'kin

Nadarama ang lungkot at puot,

Hinagpis at ang pagkabigo at pasakit

Ngunit gaano kaman kalayo

Sa aking puso dito ay lagi kang malapit

Iniisip ko kung bakit ganito

Ang langit nilayo ako sayo

Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap

Na ako'y hindi bigo

Ngunit 'di ko rin

Inaasahang mangyayari 'to

Kung ikaw ay alaala na lang

Paano na ako?

Binibilang ang mga araw

Hanggang sa'king pag alis

Habang palapit ng palapit

Lalo akong nagtitiis

At tinatago nag namumuong

Lungkot sa'king damdamin

'Di mo lang alam

'Di ko na kaya

'Di ko lang maamin

Dahil sabi mo sa akin masaya ka

Para sa'kin

'Di mo lan alam ako'y nalulungkot

Na para sa'tin

Dahil tayo'y magkakalayo

Ng walang kalabanlaban

Ang masakit pa doon kung kailan pa tayo

Nagmamahalan, nagmahalan

Tayong dalawa

Ngunit bakit ito naging plano?

Ng kapalarang naging malupit

Ako'y inilayo sa'yo ng eroplano

Habang ako'y nasa himpapawid

Ako'y nakatingin sa alapaap

At iniisip na sa alala

Nalang ba muling makakayakap

At sa gabi naktitig sa mga larawan

Na katabi ko sa aking kama

At tinatanong

Dito nalang ba tayo magkakasama?

Nasa malayo na ang aking katawang tao

At parang pinipilas dahil

Puso ko'y naiwan dyan sa

Pilipinas

Iniisip ko kung bakit ganito

Ang langit nilayo ako sayo

Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap

Na ako'y hindi bigo

Ngunit 'di ko rin

Inaasahang mangyayari 'to

Kung ikaw ay alaala na lang

Paano na ako?

Ang pilitin kong sa

Buhay ko ay wala siya

Ay parang pilit sinusuot

Singsing na hindi kasya

Dahil habang pinipilit mas

Sumasakit ng todo kaya

Buhay ko ay parang musikang wala sa tono

'Di ba pwede naman

Magsama ang nagmamahalan?

'Di ba pwede naman wala

Nalang ding hiwalayan?

Sa pag ibig walang hadlang at pwede ba

Siya ay ibalik na lang

Walang matarik na bundok

Walang karagatang na malalim

Na aking tatawirin maibalik ka lang

Sa akin

Dahilan kung ba't nabuhay

Sa'kin ang pagkasawi

Ay ang pag ibig nating nasa tama

Nasa oras namali

At sana 'wag mong

Kalimutan dyan sa puso mo

Ang pangalan ng lalaki na nag sabi na

"Mahal kita paalam at

Mag ingat ka palagi"

Noong aalis na siya at higit sa lahat

"Mamimiss kita"

Iniisip ko kung bakit ganito

Ang langit nilayo ako sayo

Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap

Na ako'y hindi bigo

Ngunit 'di ko rin

Inaasahang mangyayari 'to

Kung ikaw ay alaala na lang

Paano na ako?

Paano na ko mamumuhay nito

Kung sa piling ko ay wala

Nagiisang minamahal ko

Ang makasama ko siya ay isa nalang

Bang himala

Alam ko na sa oras na

'To ay nakikinig ka

Pinipigil mo ang pag iyak

Sige ilabas mo 'wag pigilin ang emosyon

Ng iyong puso na nagkabiyak

Dahil ang alaala nating

Dalawa ay nag iwan ng

Sugat na nakamarka

Sino ba naman ang hindi masasaktan

Kapag nalayo ang tao na mahal ka

At kung minsan naisip ko din na

Wag ng ituloy itong nagawa ko na kanta

Dahil malamang pag

Narinig ko ito sigurado

Na maaalala kita

Pero kahit piliting

Umiwas sa sitwasyon natin

Ay kusang bumbalik ang mga nakaraan

Kaya titulo ng kanta ko

Ngayon ay alaala na lang

Dahil alaala na lang ang

Umiikot sa aking isipan

Na nalilito

At presensya ng pagmamahal ko sa'yo

Ay dala ko at laging naririto

Hindi man kita nabigyan ng materyal

Pero alam mo may iniwan ako

Ito ay isang bagay na di maluluma

'Yun ang pagmamahal ko sa iyo

Sana ay pagkaingatan mo yan

Hanggang sa oras na ika'y

Muli kong balikan

Dahil pinangako 'di na muling iibig

Sa puso ko'y 'di ka mapapalitan

Iniisip ko kung bakit ganito

Ang langit nilayo ako sayo

Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap

Na ako'y hindi bigo

Ngunit 'di ko rin

Inaasahang mangyayari 'to

Kung ikaw ay alaala na lang

Paano na ako?

More From Hambog Ng Sagpro Krew

See alllogo

You May Like