Nais ko na malaman mo
ikaw na nga aking napili
Bawat letra sa pangalan
mo sa puso nanatili
Pinangako sa sarili na ikaw sasambahin
Di na ko lalayo sayo
kahit ako ay sampalin
O kurutin o sabunutan kagatin o tadyakan
Sasaluhin lahat iyan
basta’t lagi kang nanjaan
Para ako’y pasayahin di
ba jan ka propesyonal
Pagibig ko ay espesyal
at hindi to artipisyal
Ika’y laging ipapasyal
matira man sa pera bente
Para kang tatoo sa puso
ko sapagkat permanente
Kang nandito hanggang sa
kahit ikaw ay maging lola
Hindi to pagbibiro
seryoso to di pambobola
Ang mensahe ng damdamin dinaan sa liriko
Hindii kita pwedeng iwanan
para bang sarili ko
Di rin kita malilimutan
magkaron man ng amnesia
Love pa rin kita turukan
man puso ng anesthesia
Ako ang syang napili mo
kahit may pagkachoosy ka
Kaya ang buhay kong
tahimik ay nagkamusika
Kaya para sayo pagibig
na singlalim ng Pasipiko
Badtrip na ako pag di
ka nagtete t sa CP ko
Sa PC ko panay litrato mong magaganda
Kasing ganda ng kalikasan
tulad mo san mang banda
At ultimo ang may stiffneck
sayo napapalingon
Ika’y naiintindihan
kahit para kang jejemon
Mahal kase kita tanong ko
lang mahal mo din kaya ko
Pipiliting ngumiti ka
kahit magmukang payaso
At ako ay nagagalit
pag ang gas nagmamahal
Pero ako’y sumasaya
kapag ikaw nagmamahal
Sana’y malinaw na lahat
sana’y maglaho ang malabo
Para ang istorya natin
ay malabo ng maglaho
kahit may nanggugulo mga
tukso na laging tuso
Binura mo ang paniniwalang
saging lang may puso
Ikaw ang dahilan kung bat
nakalikha ako ng love song
Sana’y tanggapin mo to di
man kasing lalim ni Bob Ong
Magkaron ka man bigla
ng pagtingin sa iba
Basta’t bigay mo ang
karapatan kong mahalin kita
At minahal kita hindi
ng dahil sa maganda ka
Bagkos para sakin maganda
ka dahil mahal kita
Lahat sa buhay ko’y male
lahat male at puro sala
Ngunit dumating ka na
nagkaroon na rin ng tama
Aking buhay ay pinasok
mo kaya ko lumakas
titiyakin sayong pagpasok
di na pwedeng lumabas
Pagmamahal ko sa iyo
ihalintulad mo sa hangin
Di mo to kayang makita
ngunit ramdam mo sa akin
Sinadya kong mahalin ka
at sa puso ko’y taos
Pagibig ko’y may simula
ngunit walang pagtatapos
Hinahangad ko pa ngayon
lahat ng yong pagmamahal
Nang dahil sa iyo ang
dyablo ay natutong magdasal