Ang laki kong problema
Yung pogi kong buhok ngayon ay makintab na
Takot akong makalbo
baka pumangit aking itsura
Nag apply ako itlog
may Aloevera at may lana pa
Naku malas talaga
Walang buhok tumubo
Buyset nagkabalakubak pa
Dahil sa aking kaba
Kumunsulta ng doctor na espesyalista
Ako ay may duda
Ulo ni doc ay para ring bola
Paglabas ng resulta
Sabi ni doc sa akin na okey na
Yung kalbo ng buhok
simula sa araw na 'to
dapat ika'y masanay ka na
Bakit kaya may mga tao na kalbo ang ulo
pero ang bigote't balahibo
ang kapal na parang tsunggo
Itong ating ulo sa may
Bunbunan papuntang noo
Itong parte ng tao
Ay madaling makalbo
Payo na may kalukuhan
Ang bangaw na langaw
Sa Kalbo ay gamot daw
Ipapahid lang sa ulo
Buhok tumubo tig isang dangkal
Aking sinubukan
Bangaw pinapahid ko araw araw
Naku malas talaga
walang buhok tumubo
Kumintab pa lalo na parang siopaw
Ang laki kong problema
Yung pogi kong buhok ngayon ay makintab na
Takot akong makalbo
baka pumangit aking itsura
Tinitingnan ko sa salamain
Ulo ko na bilog ay parang holin
sa likod at gilid abot hanggang pisngi
Pati yung ibabaw ay nakaingin