Noong nag iisa
Buhay ko'y magulo
Walang umaalalay
Walang gumagabay
Hirap at suliranin
Ang aking taglay
Sinikap kong lutasin
Ngunit bigong tunay
Ngayong kasama ka
Buhay ko'y gumanda
Binigyan mo ng kulay
Pinuspos ng pag asa
Hirap ma't suliranin
Dumating sa buhay
Hesus ikaw ang nagbibigay
Ng sigla
Binigyan mo ako ng awit
Awit ng buhay
At ang lumbay iyong pinawi
Kaya't ang awit kong ito'y
Alay sa iyo
Binigyan mo ako ng awit
Awit ng pag asa
Ng pag ibig, ng pagpupuri
Pasasalamat sa pag ibig mo
O aking hesus
Puso ko'y masaya
Lungkot ay naglaho
Binigyan mong katiyakan
Itong aking buhay
Hirap ma't suliranin
Dumating sa buhay
Hesus ikaw ang nagbibigay
Ng gabay
Binigyan mo ako ng awit
Awit ng buhay
At ang lumbay iyong pinawi
Kaya't ang awit kong ito'y
Alay sa iyo
Binigyan mo ako ng awit
Awit ng pag asa
Ng pag ibig, ng pagpupuri
Pasasalamat sa pag ibig mo
O aking hesus