Oh mahal,
Ikaw ang bituin ng buhay
Kung madilim
Bawat ningning mo'y liwanag sakin
Oh mahal salamat sayong pagdating
Oh ikaw lamang ang aking hiling
Nung una kang madampian ng aking mga paningin
Yun ang mga panahong ang buhay ko ay madilim
At sa gitna ng kadiliman liwanag mo ay nag ningas
Ako'y parang makasalanan binasahan ng sitas
Nabago ang pananaw puso ko'y muling tumibok
Pagkatapos mamatay
Dahil sa dami ng kirot na naranasan
Nung mga panahon na wala ka pa
Ano bang meron saiyo sadyang nakakapagtaka
Lumipas mga panahon sa isip di ka maalis
Di naman kita kanta
Pero bakit nakakamiss kahit malayo ka sakin
parang nandyan ka talaga
Tila ba flash ng kamera tumatatak ka sa mata
At muling nag kasalubong ang ating mga landas
Simula palang pero ang sabi ko
Ay sa wakas dumating narin ang oras
Para makasama ka di ko lang alam
Ang pag ibig ko'y pano ipadarama
Oh mahal,
Ikaw ang bituin ng buhay
Kung madilim
Bawat ningning mo'y liwanag sakin
Oh mahal salamat sayong pagdating
Oh ikaw lamang ang aking hiling
Madalas na tayong magkasama
Bagay na aking dinasal
Nakakain love yong katakawan mo
Sa mang inasal yung pagiging simple mo
Ayon ang nag bigay tibok
Sa pusong nag hihingalong malapit ng matigok
At dumating ka bilang tagapag tanggol ko sa iba
Tinulongan mong bumangon at muling mag umpisa
Sa bagong aklat na tayong dalawa ang nakatala
Bawat pahina, tila ba angel ang akda
Sa bawat araw na lumipas na tayo ay magkasama
Bawat minuto tila ba problema ko'y wala na
Kapag tinititigan ka kahit na sandali
Parang mahika dulot sakin ang iyong ngiti
Habang tayo'y mag-kasama parang edited
Pag-kat sa tuwing tinititigan ka
Nag i-slowmo ang lahat
At di ko alam kung bat ganto para bang may tama
Isang patunay na ang pag ibig ay mahiwaga
Oh mahal,
Ikaw ang bituin ng buhay
Kung madilim
Bawat ningning mo'y liwanag sakin
Oh mahal salamat sayong pagdating
Oh ikaw lamang ang aking hiling
Sa wakas nahanap ko narin ang taong para sa'kin
Pangako ang tiwala Hindi ko babasagin
Relasyon natin sa mabuti ko to aakayin
Di kita iiwan kahit malagay sa alanganin
Tutulongan kita sa mga problema mong pasan
Mula nung dumating ka buhay ko laki ng ginaan
Dahil sayo pangarap ko unti- unting nakakamit
Hindi sasagi sa isip na ika'y ipag-palit
Kamatayan lang ang makakapag hiwalay sa atin
At kung mabuhay man muli palaging iisipin
Hahanapin kita kahit San man sulok ng mundo
Ano man mangyari ikaw parin ang pipiliin ko
At Kong totoo man ang sabi nilang reinkarnasyon
Ikaw parin paulit ulit yan ang lagi Kong tugon
Sana'y magsama tayo hanggang sa wakas ng panahon
Nawa'y dinggin mo oh makapangyarihang panginoon
Aking pangako panghawakan mo
Hindi kailan man ako mag babago
Oh mahal,
Ikaw ang bituin ng buhay
Kung madilim
Bawat ningning mo'y liwanag sakin
Oh mahal salamat sayong pagdating
Oh ikaw lamang ang aking hiling
Oh mahal,
Ikaw ang bituin ng buhay
Kung madilim
Bawat ningning mo'y liwanag sakin
Oh mahal salamat sayong pagdating
Oh ikaw lamang ang aking hiling