menu-iconlogo
logo

Bawal Sumuko Dito

logo
Letras
Kaliwa't kanang hirap at saya

Lungkot at ligaya na ang aking naranasan

Kabilaang paghihirap taas babang kalagayan

At salitan lang ang swerte't kamalasan

Natural lang ang mapagod dahil tao lang din

Tayo yan ang laging iisipin mo

Wala nang daan pabalik tuloy lang ang

Pagpanik bawal ang sumuko dito

Wag kang maniniwala sa katwirang baliko

Na binuhay lang daw tayo para lamang mabigo

Kung ikay napagsarhan wag ka sanang hihinto

Susian mo ng sipag kung sarado ang pinto

Matamis o mapait parehas dapat tanggapin

Tandaan lalong inaalat mga nagmamaasim

Kung puro tamis lang ng tagumpay baka magkasakit

Ang buhay parang pagkain masustansya pag may pait

Di importante na maging komportable dahil

Di naman yan ang basehan

Tanggapin mga hamon harapin mga

Alon sa dagat dahil ikaw ang kapitan

Kung manalo edi ganado sa hatian

Wag kang kabado sa mga plano na palitan

At kung matalo wag kang magtago sa tabi diyan

Diretso lakad ka lang sa anihan

Kaliwa't kanang hirap at saya

Lungkot at ligaya na ang aking naranasan

Kabilaang paghihirap taas babang kalagayan at

Salitan lang ang swerte't kamalasan

Natural lang ang mapagod dahil tao lang

Din tayo yan ang laging iisipin mo

Wala nang daan pabalik tuloy lang ang

Pagpanik bawal ang sumuko dito

Di mo pwede bastahin yung mga batang taga samin

Eh kanino pala dapat kung hindi to para sakin

Ang pangalan ko'y hindi mo kita sana sa ilalim

Kung di ko tinuloy ang sakripisyo koy wala rin

Ang bandera ng lugar ko ay iaangat ko

Hanggang huli kong ngipin ay pangakong 'kakagat ko

Pagkat ano man hamon yan alam mong papalag to

'Di lang basta saksak sa likod sinasalag ko

Nagkasubukan na nga nung minsang nainip sa pila

Ngunit para lang makita 'di ko binuhat aking silya

Oo kasi ako to yung bata dun sa eskinita

Oh di yun tipikal yung batang yon ay pambihira

Gayahin mo kung pano ko niyakap ang hilig

Hanggang sa mapila na sa tinatawag na big fish

At hanggang magbunga na yung tinanim mo na binhi

Sige tsaka mo nga sabihing 'di to pag- ibig

Kaliwa't kanang hirap at saya

Lungkot at ligaya na ang aking naranasan

Kabilaang paghihirap taas babang kalagayan

At salitan lang ang swerte't kamalasan

Natural lang ang mapagod dahil tao lang din

Tayo yan ang laging iisipin mo

Wala nang daan pabalik tuloy lang ang

Pagpanik bawal ang sumuko dito

Susuko mas mabuti pang sumuka

Sa dami ng kutya na nilunok ay puno na ang sikmura

Ang pait sa una napapadalas na nun ang

Pag sub- sob ko sa lupa 'nak ng tupa

Kaya nung nakaahon ay inubos ko yung hamon

Inagahan ko yung bangon pasok walang baon

Magugutom lang ako pag sa problema nagpalamon

Kakamaliit nila naka lusot na sa karayom

Ang takot na di natin matibag ay nagiging

Pader na bilangguan ng mga pangarap natin

Abot kamay lang ang pangarap kung ika'y papalarin

Kaya aralin sanayin samahan ng dalangin

Lahat may dipekto pero sinong desidido

Na baguhin kanyang kwento

Bweno kailangan mong daanan

Ang kumpletong proseso

Ang premyo pinaka mahusay

Na bersyon ng sarili mo

Pinaka mahusay

Na bersyon ng sarili mo

Pinaka mahusay na bersyon ng

Naniwala nagtiwala nag- ensayo lumakas

Alam kong may regalo din sa akin ang taas

Papabor din ang galaw parang bida sa palabas

Oras na para diinan ang tapakan ng gas

Binubuhay ng laro wala nang balak lumiko

Sinugal ko nang lahat bakit pa ko hihinto

Bawal sumuko yan ang sabi sakin ng magtatato

Tumatak binitbit ko hanggang maging kaya ko

Kaya ko

Yung dati lang nakikikaen

Pero ngayon nag aambag na samin

Kung pwede lang lahat hilahin

Pero tadhana pa din magsasabi

Kailangang paghirapan ang lahat

Wag kang matakot kung ilan ang kumagat

Parte yan para maging alamat

Isang daang porsyento mo na isagad

Kaliwa't kanang hirap at saya

Lungkot at ligaya na ang aking naranasan

Kabilaang paghihirap taas babang kalagayan

At salitan lang ang swerte't kamalasan

Natural lang ang mapagod dahil tao lang

Din tayo yan ang laging iisipin mo

Wala nang daan pabalik tuloy lang

Ang pagpanik bawal ang sumuko dito

Wala nang daan pabalik tuloy lang

Ang pagpanik bawal ang sumuko dito