menu-iconlogo
logo

Paglisan (feat. Yumi)

logo
Letras
Bakit ba kailangan na masaktan ang puso kong ito?

Sa iyong paglisan, hapdi ang s'yang naramdaman

Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan?

Dahil ba sa huli na ang lahat? Sa 'yo'y paalam

Sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan

Na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan

No'ng umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat

Tinatanong sa 'king sarili kung hindi pa ba sapat?

Ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo

Bakit kailangan mangyari pa ang mga ganito?

Pilit na inaalala mga bagay na nangyari

Sa 'king puso at sa isip, kalungkutan ang naghari

At naghiwalay tayo na 'di man lang nakapag-usap

Hanggang sa huling sandali, wala nang pangungusap

Na lumalabas sa labi mo na gusto kong malaman

Kung bakit nagkagan'to at bakit mo 'ko iniwanan?

Dahil ba sa sabi-sabi at mga bali-balita?

'Di mo na 'ko tinanong at tuluyan kang naniwala

Sinira mo ang tiwala at ako'y tinalikuran

Bakit kailangan kong masaktan sa iyong paglisan?

Bakit ba kailangan na masaktan ang puso kong ito?

Sa iyong paglisan, hapdi ang s'yang naramdaman

Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan?

Dahil ba sa huli na ang lahat? Sa 'yo'y paalam

Naghiwalay tayo na kapwa may samaan ng loob

At 'di man lang ako nakaangat sa aking paglubog

Hanggang sa huling sandali, 'di man lang nakapagpaalam

Katagang nais sabihin, hindi ko man lang nabitawan

Na sana'y mag-iingat ka sa lahat ng sandali

'Di na 'ko muling hahabol at magbabakasakali

Na maibalik ang dati at makapiling sa t'wina

Ang isang katulad mo 'pagka't wala na ngang pag-asa

At hindi talaga tayo ang itinakda ng Diyos

Kaya ang pagsasama natin ay maagang nagtapos

Bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan?

'Di ko lubos maisip ba't gan'to ang kapalaran

Bago magtapos ang awit ko, sana'y malaman mo

Na wala na akong ibang inibig kung 'di ang katulad mo

Ngayong tapos na ang lahat pati ang awiting kong ito

Salamat sapagka't naging bahagi ka ng buhay ko

Bakit kailangan humantong sa hiwalayaan ang lahat?

Ang nangyari sa relas'yon natin, hindi ko matanggap

Hindi ako nagkamali at nagkulang sa 'yo, sinta

Nguni't ano'ng sinukli, iniwan mong nag-iisa

Walang pagsidlan ang saya no'ng makilala ko ikaw

Nguni't lahat ay nagbago noong ikaw ay bumitaw

Tanggap ko na kung 'di ka sa akin, ikaw ay sa kanya

Mahal kita, pero 'di tayo para sa isa't isa

Kung kaya ko lang pahupain ang nadaramang ito

Nguni't 'di ko kayang itakwil na lang ang pag-ibig mo

Kasi sobrang mahal kita, 'yan ang pakatandaan mo

At minahal kitang lubos nang higit pa sa buhay ko

Paglisan (feat. Yumi) de FLICT G/YUMI - Letras y Covers