menu-iconlogo
logo

7

logo
Letras
Itos popped a Mentos on this

Mayro′n akong kilalang walang kilala

Kapag may anihan, gusto niya, siya lang mag-isa

Parang kabayo sa kalesa na deretso ang mata

Ngunit tanging pasaherong ubra ay ang kubra niya

Sino siya? Sa kasuwapangan ay nag-uumapaw

Hindi sumusuntok pero gusto ay pumakyaw

Sukdulan sa pagkabig, walang halong pagbusisi

Hanggang 'di na namalayang nilalamon na niya ang kanyang sarili

Tulad ng nakilala kong makati

Ingat ka, may malisya bawat simpleng pagtabi

Daig pa ng kuneho na tigang tuwing gabi

Kahit na walang kaaway, gustong-gustong magbati

′Di mapigilang pagnanasa, susuong kahit may bitag

'Di lang 'to basta pinsala na dinudulot ng higad

Laman ng eskandalo, maski sino, talo-talo

Alerto ka, iha, siya ′yung nakatingin ngayon sa ′yo

Iba-iba ang ugali ng mga tao

Ingat ka dahil baka mo maingkuwentro

Malay mo, sila ang tatapos sa 'yo

Ba′t 'di mo tanungin ang mga usisero?

Sino ba ang tinutukoy ko sa kuwento?

Sila ba? Ikaw ba? O ako?

Mayro′n akong kilala, 'di lang ′to basta hinala o duda

S'ya'y asong sa buto ay timawa, nag-aasal-tuta

′Yun bang mayro′ng makita lang na biglang bida

'Tang ina, masahol pa sa may reglang dalagita

Kung sumpungin ng panaghili at panibugho

S′ya'y madali sa pagtabi, kamamadali, panay bunggo

Makatalisod ng ginto sa minahan

Ng hindi naman kasundo (hindot!)

′Di nalalayo sa kilala ko pang isa

'Yung bituka, may kalyo na, tindi ng pampisa

Sa pagkain, kahit pain sa bingwit, lalamunin

Hahabulin ang halimuyak ng usok ′pag naggisa

Wala kang aabutan sa hapag, tagal na 'yang subok

Kilabutan ka, palag-palag 'yan kahit na bugok

Tila nabalutan ng kalasag, manhid sa′n man magsusulok

Sa kadamutan, ang habag, walang-hiyang nilulunok

Iba-iba ang ugali ng mga tao

Ingat ka dahil baka mo maingkuwentro

Malay mo, sila ang tatapos sa ′yo

Ba't ′di mo tanungin ang mga usisero?

Sino ba ang tinutukoy ko sa kuwento?

Sila ba? Ikaw ba? O ako?

Gising na, kaibigan ko

'Wag mong yakapin sala ng mundo

Ang lubid ng kamalian mo

Unti-unting bumibigti sa ′yo

Mayro'n akong kilala mula sa isang kaharian

′Kala mo, nasa gitna lagi ng tunggalian

Sobrang lalim ng galit sa mababaw niyang dahilan

Walang kabati kahit dati niyang kabatian

Hanggang may makausap siya na matandang pilosopo

Alam lahat tungkol sa isip, halatang sikologo

'Pag daw kumain ng poot, masasamid ka talaga

Ayon, sa sobrang galit ay napatid na 'yung hininga

Mayro′n akong kilala at dating tropa ko

Sa bahay niya, lahat ay puro otomatiko

Sa unang tingin, "Magaling!", ′Yun din sinabi ko

Pero kung bubusisiin, daig pa niya imbalido

Inayawan niya 'yung pedal para sa de-makina

Hindi na gagalaw, ultimo mismo pagtae niya

Ayaw pagpawisan, sa ngayon, walang pinag-iba

Nakahiga na lang sa tabi ng kanyang lapida

Mayro′n akong kilala, baka kilala mo

Kilala ng kilala mo, 'yun ang hinala ko

′Pag siya bumabangka, bumabaha ng kayabangan

Akala mo, alas, hindi mo pwedeng masapawan

Tindigan mo man ng tama, ayaw patalo

Sa papuri ng iba, matakaw masyado

Para sa kanya, walang ibang magnipiko

Kilalang-kilala mo 'to, tignan mo lang sarili mo

7 de FLICT G - Letras y Covers