Maging dalisay sa
Gitna ng isang digmaang
Ngayo'y dinadaos sa isang sinukob
Sa gitna ng kagutuman
Sa gitna ng kamatayan
Sapagkat ang kamatayan ma'y matamis
Katulad ng itinuro ng ating mga bayani
Kung ya'y magbubunga
Ng isang pag asa't ng isang adhikaing
Pinag pakamatayan nila
Tatlong daang taon kang sinakop ng banyaga
Lumaban upang kalayaan matamasa
At sa paglaya mo ay nagbigay pagasa
Na ipinunla mo sa puso ng masa
Ngunit marami paring gusto kang maagaw
Kapitbahay mong unti unti kang ninanakaw
Mga anak mong 'di nagkakasundo
Mga taong masmatimbang ang pera keysa sa dugo
Ngunit pagkatapos mong makipaglaban
Bandang huli unti unti mo ring nalaman
At lumabas na ang katotohanan
Na mismong sistema na rin ang kalaban
Pilipino tayong lahat
Bakit pilipino
Ang nagpapahirap sa kapwa pilipino
Mga kababayan hindi naman dapat ganon ang siste
At sa pagkakataong ito
Gusto ko lang ipaalam sa inyo
Na daytoy nga kansyon para dagiti kababayak
Ipanpanakel ko ti daga nga nakaiyanakak
Isnan naet etken ay kinatured na et adi sinmuko
Tapno magunon nan way waya tako
Nanduroman lengwahe sikatayo et saksakey
Nasarag tayon amin so problema nu mankakasakey
Masikan parang kalabo aliwa ing kakung sipag at tiyaga
Ali ku paapektu king ninu mang banyaga
Mandirigma aking dugo
Matapang at lalaban
Handang ipagtanggol ang perlas ng silanganan
Gabos na mga problema satong malalampasan
Dae kita mapadaog maski na kisay pa man
Lahat tayo
Pilipino
Magkakaiba man tayo ng salita
Magkakaiba ng isla
Magkakaiba ng relihiyon
Ke kristiyano ka man
Ke muslim ka man
Ke half filipino ka man
Kahit anong mangyari
Pilipino ka pa rin
Ginsakop kita han banyaga
Ngunit kitay lumaban
Ha bulig han mga bayani na may ada kakusugan
Gihigugma kong pilipinas
Diri ko nagdako
Bulawanon adunahan kini akong pulo
Mga pilipino nga maisog
Ang ara sa ibabaw
Para maka buhi sa kamot sa iban lahi nga pangayaw
Da bukae so bangsa initind'g so kawaraw
Mitind'g bo so singanin kalilintad ago gagaw
Laki katupuan di mapatungad sa panggi
Mukit man igutom oh ulan nyakami bon estidi
Bang awun dun mang gura
Tawaga sadja aku
Bisan pa ikamatay
Ha hula tindugan ku
Pagbantu ku pilipino ku bisan pusine
Panji ten tenggehan ku kau bisan pe mag ine
Nuay pwede pelya maski kien kontigo
Grita yo enter mundo iyo ay pilipino
Bakit kailangan mong kalabanin ang kapwa mo pilipino
Ang dami nating kalaban
Sinasakop nanaman tayo ng mga dayuhan
Kinakamkam isa isa yung mga isla sa kanluran
Sa tawid dagat yung mga inaapi nating kababayan
Yung mga mapagsamantalang mayayaman
Yung mga ganid sa kaban ng bayan
Yung mga abusado sa kapangyarihan
Ang dami sobrang dami pero kaya nating talunin yang mga yan
Paano kung magkakaisa tayo
Ito sasabihin ko sa inyo
Walang mang aapi sa bansang pilipinas
Kung lahat tayo titindig para sa isa't isa