menu-iconlogo
logo

Ang GF Kong Selosa

logo
Letras
Alam mo yung feeling na, bawat kilos mo nakakatakot

Kasi yung girlfriend mo, napaka-selosa.

Ang aking girlfriend, napaka, napaka, napaka, napaka-selosa talaga

Kala mo si Mike Enriquez kung mag-imbestiga,

Saking CP, sa PC, pati sa FB pa,

Para ba kong inupo sa silya elektirka.

Pag siya ay galit, sasabihan pa kong, “Leche ka!”

May pahabol pa, “Peste ka.” Easy lang, “Pwede ba?”

Sorry na, “Bente pa.” Dami ah, “Eh teka.”

Benteng sorry? Ano bang nagawa ko?

“Ang dami mong kausap dun sa Facebook, tarantado!”

Oh, di ba? (Hehe) Kung magselos siya, ay grabe,

Pinapaiwas pa ko sa mga tropa kong babae.

Eh kasi wala daw siyang tiwala sa nakapaligid,

Kahit tropa lamang, baka daw ako ay mapaibig.

Eh alam mo naman sa puso ko, ikaw lang nagpalukso.

“Kahit na, basta sexy, ikaw pa bilis mong matukso.”

Mali ba na ako ay mangamba

Na baka maagaw ka sa akin ng iba?

Ang nais ko lang ay sabihin mo

Na tanging ako ang nasa puso mo.

Pag ako ay nagpaalam, isip niya ay masama na,

‘Di daw ako pwedeng lumabas pag di ko siya kasama.

Pag ang cellphone ko ay tumunog, siya pa nauuna

Tumingin at sasabihin niya, “Bilis mong magbura ah?”

Malapit ko na ngang mamura itong aking mahal.

San ba may tindang mura o kahit pa mahal

Na agimat ang kapangyarihan magbigay tiwala?

Ibibigay ko lang sa girlfriend ko na super maghinala.

Kung ako ay pagaralan, daig niya pa ang SOCO,

Sa tuwing labas ko kala niya diretso ko ay Sogo.

Ang taba ng utak, noh, kasing taba ni Jessica Soho.

Sogo daw punta, eh umalis ako ng solo.

Pati sa Facebook ko ay para siya nang may-ari;

Pag sa inbox may nag-hi, ako pa ang mayayari.

Kasalanan ko ba na mag-message sila?

“Hay nako, meron ka na sigurong iba.”

Kita niyo, di ba, ako’y nananahimik.

Salubong na kilay niya, at mata niya ay nanlilisik.

“Ba’t tagal mo magreply ha? Katext mo ba ang ex mo?”

Ang dami mong kulet, ang kulets mo ha, na-gets mo?

Di ako natatawa, hindi toh biruan,

Ayokong magreply ka sa mga text kahit na sino yan.

Ang mag-like ako ng pics at status, bawal din.

“Ganyan siya kaselosa?”

Oo, ganyan men.

Mali ba na ako ay mangamba

Na baka maagaw ka sa akin ng iba?

Ang nais ko lang ay sabihin mo

Na tanging ako ang nasa puso mo.

Di ka naka-marijuana, di rin nakasindi,

Pero ba’t tamang hinala mo, napakatindi.

Pero kahit na selosa ka’t ako’y sinakal,

Yan ang dahilan kung ba’t lalo kitang minahal.

Dahil kung angkinin mo ko, daig mo pa si Inay,

Mabuti nang ipagdamot mo ko kaysa pamigay.

Pag may lumalandi sakin, tiyak malilintikan sila,

Imbis na ako’y magalit, naintindihan kita.

Pinapakita mo lang naman na ayaw mo, di ba,

Na mawala ako sayo at mapunta ko sa iba.

Bawal na din ako makipagusap kung kanikanino,

Kulang nalang magselos ka na rin saking anino.

Pag ikaw ay nagseselos, sarap sa pakiramdam

Kasi kung di mo ko mahal, wala ka nang pakialam.

Sa ‘yo, sa ‘yo lamang kaluluwa, puso, at katawan.

Kaya kung girlfriend nyo selosa, wag nyo ng pakawalan.

Alam mo? Kahit napaka-selosa mo,

Mahal na mahal kita.

At tsaka, tandaan mo toh ha,

Sa ‘yo, sa ‘yo lang ang prinsipe ng Sagpro,

At ikaw ang nag-iisang prinsesa ko.

Mali ba na ako ay mangamba

Na baka maagaw ka sa akin ng iba?

Ang nais ko lang ay sabihin mo

Na tanging ako ang nasa puso mo.

Ang GF Kong Selosa de Hambog ng Sagpro/Ynnah - Letras y Covers