Haa…. Yeah
Haa… Ooh
Nananana nanana…
Kamusta ka? Ayos ka lang ba?
Sana ok ka lang lage para di na mangamba
Alam kong ikaw at ako hindi na pwede talaga
Ngunit di mo aalis sakin na sayoy magalala
Dahil namimiss kita, kaya ako nainspira
Kaya ako nainspira, kase nga namimiss kita
Kahit ang mga tropa ko sakin ay nainis sila
Kase mag move on, hindi naman yon mabilis diba?
Tang ina, para na kong gago
Ikaw pa rin sa isip kahit meron ka ng bago
Ikaw pa rin sa puso ang sakit hindi matago
Sa puso't isip ko hinding hindi ka maglalaho
Hanggang ngayon sa buhay ko ikaw nagpapaikot
Kahit alam ko na ako'y unti-unting nilimot
Habang kayo'y bumubuo ng bagong alaala
Yung alala natin binura at nawala na
Kung kaya ko lang maibalik ang ating nakaraan at ating pagmamahalan
At kung bakit ba umabot sa katapusan
Kahit wala na, mananatili ka sa aking alaala
Araw-araw, gabi-gabi kita nanakasama
Ang makatabi ka ng ganito hiling ko sana
Ay wag na matapos at sana di kana mawalay
Dahil sayong tabi ako'y payapa at nasanay
Naalala ko noong ikaw pa ay sa akin
Lagi tayong nagtatalo kung saan tayo kakain
Naalala ko noong ako pa ang mahal
Lagi tayong nagplaplano kung saan mamamasyal
Naalala ko nung buhay ko ay decolor
Lagi tayong naggagala habang angkas ka sa motor
Naaala ko kapag di tayo lalabas
Tayo'y nakahiga lang at maghahanap ng palabas
Naaalala ko noong pag tayoy magkayakap
Ayokong bumitaw dahil ito aking pangarap
Na habangbuhay hawak ka at makasama ko
Sorry ha? Kung itong lahat naaalala ko
Kung pwede lang humiling na ika'y magbalik, dito sa aking piling, mahigpit kang yayakapin...
At kung bakit ba umabot sa katapusan?
Kahit wala na, mananatili ka sa aking alaala
Kamusta ka? Ayos ka lang ba?
Eh ako kamusta na? Eto tatanga-tanga
Dahil nakikita ko masaya kana ka na sa kanya
Habang ako eto nagdadrama-drama pa sa kanta
Oo puro lang panggap, na ito'y aking tanggap
Totoo di ko tanggap, na ito ang naganap
Yung iniingatan ko, inalis ng Panginoon
Yung iniingatan ko, namiiss ko na lang ngayon
Bat ganon? Natatawa na lang
Ako saking sarili pero sana jan kalang
Sa aking alaala at sa sa dating panahon
Kahit sa alaala lang promise ko na ko don
Sorry na mimiss kita, ako ay pagpasensyahan
Sa drama ko nadamay pa si Yumi ng Repablikan
Sa alaala di ka binura dahil may dahilan
At least saking alaala pwede kang balikan
Kung kaya ko lang maibalik ang ating nakaraan at ating pagmamahalan
At kung bakit ba umabot sa katapusan?
Kahit wala na, mananatili ka sa aking alaala
Haa, yeah, saking alaala, alaala