menu-iconlogo
logo

Kulang Na Kulang Ba

logo
avatar
Hambog ng Sagprologo
⎯⎯꯭̽❥𝆺𝅥⃝🤍Vαͯ͢🐰ຮի⎯꯭̽❥𒁍logo
Canta en la App
Letras
Isang beses palang ako na nagmahal ng ganito

Hindi ang isip kung hindi ang puso ang ginamit ko

Sa sobra kong pagmamahal naging bulagbulagan

Ipinagpilitan kahit na ipagtulaktulakan

At imbis na ako ang magalet ako'y nagpakumbaba

Kase nga mahal kita kaya ko yan nagagawa

Hinihingi ko lang naman sayo ay mahalin mo lang

Yun lang naman ang gusto ko eh yun lang

Gano ba kahirap yon di ba napakadale

Kaya kung minsan ang tanong saan ako nagkamale

Pero bilib ako sayo nagawa't nakuha mo

Biruin mo sa tigas kong to napaluha mo

Siguro sasaya ka lang kapag wala na nga ako

O ayan nangyari na ok ka na ano

Sinundo kita ngunit sa iba ka nagpahatid

At nagmahal ako mali lang minahal ko ay manhid

Kulang na kulang ba hindi pa ba sapat

Inubos kong lahat panahon ko sayo

Anong gagawin di mo pinapansin

Hetong damdamin aking paglalambing

Kahit san ako magpunta ikaw ang naaalala

Dahil daladala ka ng puso ko't kasakasama

Date tawagan asawa at mine at honey pag sa text

Ngayon tawagan naten ay crossout sa madaling salita ay EX

Dahil ngalan ko jaan sayong listahan inekisan

Para tayong mga ibong pinalaya't pinalisan

Lumipad ng magkaiba ang direksyon magkalayo

Kaya imposible para satin na muling magkatagpo

Dahil ikaw ay pataas ako'y nanatili sa baba

Gustong sumigaw ng malakas "Bakit to sakin nagawa"

Para makaiwas sa lungkot dinadaan nalang sa tambay

Dahil ang wala ka dito sa tabi ay sinasanay

Iinom ng alak para kahit konti makalimot

Sa nakaraang hanggang ngayon sa isip umiikot

Ngunit babalik muli pag wala na aking tama

Mali palang ibigin ka akala ko ay tama

(Ganito ginawa ko)Kinasama ibang babae para ikaw ay palitan

Pero iba ka sadyang ikaw pa rin binabalikbalikan

Kung sino sino ang kasama pero hindi makuntento

Pagkat parte ka ng buhay kong nawala kaya di na makumpleto

Dadahandahin ko mensahe ko sayo para

Kahit kaunti manlang tumagos to sa puso mong nara

At sana ay sagutin mo ang huli kong katanungan

Bakit mo ako iniwan? Saan ako nagkulang?

Bakit ba sa mundong ito, may mga taong hindi marunong makontento

Mga taong manloloko, kami naman tong nagpapaloko

Tanong ko sa inyo? Anong nararamdam nyo pag nanloloko kayo

Pero minsan, sana matanong nyo sa sarili nyo

Anong pakiramdam, ng mga naloloko nyo

Dito sa mundo ay merong dalawang klase ang mga tao

Una don ang manloloko pangalawa ang naloloko

Malas lang at nagkataon sa pangalawa ako nahanay

Swerte mo sa una ka kaya manaket ika'y nasanay

May mahina may malakas kung may dilim merong liwanag

Ngunit ang nadarama sayo hindi mapaliwanag

Masasabe nyo ba na ako'y tanga't isang hangal

Mali kayo don ako'y dakila at lubos lang magmahal

Kailangan ba talagang lumuha upang tayo'y tumatag

Eto bang batas sa pagiibigan na tayo'y bawal lumabag

Ang katulad nating tao lang nasasaktan at lumuluha

Dahil sa mga pananakit ng iba mahirap kung humupa

(Pakinggan mo to)

Di lang ako at hindi lang ikaw lahat tayo'y nabiktima

Nang dahil sa pagmamahal tayo'y nagmumukang tanga

Pero hindi yun dahilan para sa aken ka bumawe

Upang sakit ng iyong nakaraan ang paglibangan ako ay mapawе

Uh, inubos ang lahat lahat ng panahon

Lahat ng sakin ay sayo ng lahat dapat alam mo yon

Kulang na kulang ba ha kulang na kulang pa ba yon

Nawa'y madala ka sa awitin damahin mo lungkot ko ngayon

Pero kung sa iba ka masaya masaya na rin ako

Kesa naman sa malungkot ka kapag ako kasama mo

Ito ang mensahе ko sa isang babae ko pinapupunta

Kilala mo kung sino ka

Kulang na kulang ba hindi pa ba sapat

Inubos kong lahat panahon ko sayo

Anong gagawin di mo pinapansin

Hetong damdamin aking paglalambing