menu-iconlogo
logo

Pagod Na ’Ko

logo
Letras
Kahit akoy pagod na iintindihin kita

Patuloy kang iibigin hanggat makakaya pa

Punuin mo man ng sugat puso koy hibang na

Yayakapin ka hanggang makita mo

Ang tunay kong halaga

Kahit na sobra napakasakit na

Saking puso ipinangako di kana pagpalit pa

Alam ko nananabik kana ikay aking sukuan

Kaya kung tratuhin mo kong parang hayop ay sukdulan

At nuknukan ka ng yabang pag iyong binabanggit

Na madali akong limutin at madaling ipagpalit

Oo alam ko naman walang wala ako sayo

Pagpasensyahan mo na nagmamahal lamang ako

Kahit na maliit na bagay lagi mong pinapalaki

Palaging galit at naiirita ka sa akin kapag sayo ay tumabi

Pag meron ka pang kasalanan galit mo ang dapat na intindihin

Balewala na yung galit ko aking nadadama bawal ko nang indahin

Dahil kapag akoy nag-inarte bibigyan mo nako ng babala

Na ako ay iiwanan bakit ba sayo ako ay hindi nadadala

Dahil ba sobrang mahal kita kaya nagkaganito

Pero sana malaman mong pagod na pagod na ako

Kahit akoy pagod na iintindihin kita

Patuloy kang iibigin hanggat makakaya pa

Punuin mo man ng sugat puso sayoy hibang na

Yayakapin ka hanggang makita mo

Ang tunay kong halaga

Hindi ko na alam ang gagawin kung pano dadalhin

Sa kung papanong paraan kita mamahalin

Sarili ko pinipilit nalang patatagin

Kahit na magpakumbaba balewala pa rin

Para sayo lagi nalang ako ay may kasalanan

Pag nag-aaway na kung mangyari satin ay madalasan

Hindi ko alam kung bakit ko ba to nadadanasan

Pagibig mo ba sakin ay tuluyan nang nabawasan

B'at di moko tapatin kung dimo na mahal wag nang patagalin

Hindi yung minsan sakin ikay malambing kaya eto ako umaasa pa rin

Iniisip nalang ganyan ka talaga kaya akoy martir inunawa kita

Binigay ko sayo ang lahat pero sa puntong to mahal ko sumobra kana

Hindi ko alam kung pano pa kita uunawain putangina napakahina ko

Di ko kaya na ikay awayin kahit na puro mali ko lang ang nakikita mo

Puro pagpapa kumbaba respeto sa sariling tinapon ko na

Kahit sa nakaraan moy kinukumpara mahirap lang ako di katulad nila

Sige ako na mali kahit na mauwi sa pagkasawi at hindi mo na ako babalikan muli

Kahit di naging madali man isantabi panahon na para ako naman ang magmalaki

Di na pwedeng apak apakan tao lang ako na marunong din mapagod

Eto na ang oras para sa piling moy kumalas at kumawala sa iyong pananakot

Kahit akoy pagod na iintindihin kita

Patuloy kang iibigin hanggat makakaya pa

Punuin mo man ng sugat puso sayoy hibang na

Yayakapin ka hanggang makita mo

Ang tunay kong halaga

Oo pagod na ako pero di yon dahilan para iwan kita

Tandaan mong hindi ako tanga pag nagmahal lang ako kakaiba

Kahit na saktan ng saktan ng saktan saktan mo ng paulit ulit

Pilit ako ng pilit puso koy iyong pinunit punit

Diba ang kulit kulit kung sino pang nasasaktan

Sya pa yung pilit kumakapit basta ba nanjan ka lang

Oo wag kalang mawawala aking mahal handa ako mabansagan na tanga

At inutil at bobong napakahangal dahil gusto kong malaman mo na

Kahit ayaw mo na mahal parin kita aminadong pagod na pagod na ako

Pero diba pwede naman magpahinga at alam ko na

Meron parin na natitirang pagmamahal sa puso mo

Meron kang tinatago na kabutihan kaya sayo ay nagkagusto

Kaya saktan mo man ng husto alam kong di yan tunay na ikaw

Kaya saktan mo man ng husto mapagod man di bibitaw

Oo pagod na ako pero pagpapatuloy parin sayo ang paglapit

Hanggang sa ikaw na mismo mapagod sa pananakit

Kahit akoy pagod na iintindihin kita

Patuloy kang iibigin hanggat makakaya pa

Punuin mo man ng sugat puso sayoy hibang na

Yayakapin ka hanggang makita mo

Ang tunay kong halaga