Immuko, samahan mo naman ako
Sige, tara
Ah, may lalaitin lang ako
Laitin natin yan, baka lai tin pa ng iba yan eh
Ano, game?
Okay, okay, game
Sa dinamidami ng babae ikaw ang napili
Sayo ko lang gusto na manatili
Kahit magunaw man ang mundo
Ikaw lang ang babaeng aking iibigin
Palagi mo sanang isipin
Andito lang ako
Sa dinami-dami ng nag kakagusto sa'kin
Sa'yo ako nahulog ano ba ang pinakain
mo sa'kin Kaning may laing at daing
Pag sinabi kong di ka mahal I'm lying I'm dying
Sa'yong pagmumukha sa mata ay mahapdi
Nadadaanan mong bulaklak ay nasasawi
Kapag tayo'y nag hahalikan ikaw ay parang gagi
Kasi yung nguso mo parang pangalawa na labi
Ikaw ay natatangi sa lahat ng nakilala
Biruin mo, litrato mo, sinukan ng pitaka
At dahil di ka sexy, kinick out ka sa sogo
Parang nag fusion lang si Majin Boo at Jessica Soho
Kahit mag all red ka iniiwasan ka ng toro
Kapag hindi naligo ang putok mo super lolo
Pag naligo ka naman ang banyo matik papanghe
Pero mahal pa rin kita at di ko yon matatanggi
Sa dinamidami ng babae ikaw ang napili
Sayo ko lang gusto na manatili
Kahit magunaw man ang mundo
Ikaw lang ang babaeng aking iibigin
Palagi mo sanang isipin
Andito lang ako
Ang pangit mo sa picture pati sa personal
Kaya sa pagiging pangit ikay profesional
Yung kilala kong bulag na gumaling ay makulit
Nung ikay nakita niya gustong maging bulag ulit
Yung track ni Andrew E na humanap ka ng pangit
Nung ikay nahanap ko ang sinabi ko I found it
Pinakilala ka kay Kuya Drew at kanyang sinabi nung nakita ka
'Wag naman ganyan
Nung ikay nakipag-inuman sa tropa mong manyakis
Ikaw ay nalasing pero walang nangyari promise
'Di ka daw hinubaran at hindi 'to palusot
Dahil pagising mo mas dumami ang suot
Ultimu mang inasal hindi sayo nakaligtas
Nung ika'y nag-unli-rice nagkaroon ng shortage sa pinas
Ng bigas, kaya ang timbang mo sampung tangke
Pero mahal pa rin kita at 'di ko 'yon matatanggi
Sa dinamidami ng babae ikaw ang napili
Sayo ko lang gusto na manatili
Kahit magunaw man ang mundo
Ikaw lang ang babaeng aking iibigin
Palagi mo sanang isipin
Andito lang ako
Sa dinami-dami ng pe-pwede kong ibigin
Biruin mo ikaw ang napili kong piliin
Ang dali mong mahalin hindi ko kailangan 'tong pilitin
Pag-ibig kong banayad aking papanatilihin
Oo di ka kagandahan pero ang iyong ugale
Daig mo pa santo at doon ako bumase
Ako lang ay umarte na ayoko sayo
Ayoko lang kasi na may kaagaw po ako
Lagi kang inuulan sakin ang mga panlalait
Paandar ko lang yon para sayo walang lalapit
Kaya ka mataba kasi pag-ibig ko'y matamis
Pag ang love story natin movie title Pogi and the Beast
Kahit ang laway mo'y panis kahit kanina ka pa gising ako
Ang panghuli mong nobyo hanggang sa iyong libing
Sabi nga sa kasabihan pag tao ay nang-aasar,
Tinatago lamang niya nadadamang pagmamahal
Sa dinamidami ng babae ikaw ang napili
Sayo ko lang gusto na manatili
Kahit magunaw man ang mundo
Ikaw lang ang babaeng aking iibigin
Palagi mo sanang isipin
Andito lang ako