Di ba ang sabi ko sayo noon ay kaya kitang tanggapin at mahalin
Maging sino ka man at ano man ang mga nakahiligan gawin mo ay
Alam mong wala akong balak pakialamanan diba
Pero bigla kang bumitaw ng mga salitang patapos
Na siya naman sinandalan ko ng lubos
Hindi man lang nagdalawang isip agad napakapit
Sa kasinungalingan pala ako nakagapos
Tapos ako ay napaniwala naniwala ako
Na nagawa ko ngang baguhin ang katulad mo
Pero hindi ko lang alam kapag sa aking likuran
Ayan ka na naman sa gawain mo ba't naglilihim ikay
Malaya sa lahat at binigay lahat at nagtiwala lang
Sayong pagtatapat ang isang pakiusap
Bat ba lagi mong nalalabag
Pero narito parin ako sayo ni isang hakbang
Hindi magawang lumayo minsan naisipang
Makipaglaro nalang pero ayaw ng puso
Akoy duwag duwag di makapalag
Di makakalag saiyo nanggang kelan kaya
Nanggang kelan kaya pagbibigyan ako ng puso mo
Naaabuso mo na ang pag ibig ko ohhh
Hanggang kailan hanggang kailan
Hanggang kailan hanggang kailan
Hanggang kailan
Hanggang kailan ako sayo maghihintay
Nakakapagod umasa na ikay magbabago
Ang sakit sa damdamin di na kayang itago
Tama na labis na akong nasasaktan
Walang hangganang ang pangako
Di ka ba napapagod na akoy pahirapan
Nais koy kasagutan hanggang kailan
Pagod na magkabilaan kong mata
Ganito ba talaga ako katanga
Para hindi ko isipin na wala na akong halaga
Masakit saking damdamin ang lagi natin na pagtatalo
Wala akong magawa lagi ka naman dibang panalo
Hirap na ko sa sitwasyon nating dalawa kelan mo ba
Matututunan mag bago
Hanggat nandito ka saking piling asahang mananatiling
Pangalan mo ang sinisigaw ng puso kong naligaw
Ng landas dahil ikaw ang dahilan ko at rason
Upang di ako bumitaw kaya pakinggan mo
Ang sigaw ng puso ko na kahit ano man ang mangyari
Sa ating dalawa maghihintay ako
Na bumalik sakin ang dating ikaw
Hanggang kailan ako sayo maghihintay
Nakakapagod umasa na ikay magbabago
Ang sakit sa damdamin di na kayang itago
Tama na labis na akong nasasaktan
Walang hangganang ang pangako
Di ka ba napapagod na akoy pahirapan
Nais koy kasagutan hanggang kailan
Kailanman ndi ako humiling ng kung ano sayo
Ilang taon ng nagdaan na tila di mo na natandaan
Ang mga pangako mo na para sakin mag babago
Bat naglaho meron na bang ibang laman
Ang iyong puso
Sana sakin ay lumapit at sabihin mo sa aking
Kung minamahal ako wag naman sanang paasahin
Meron ba akong pagkukulang bat di mo makuhang
Baguhin ang nakasanayan mong maling gawi
Kung sakali man na pagbigyan kitang muli
Sana'y bukal sa kalooban mong itama ang mali
Matagal mang naghintay at masakit na para sakin
Ngunit di ko hahayaan na mawala ka sa aking piling
Ilang ulit ko mang sabihin na nag sasawa
Napapagod man ako dahil sayo ay hindi ko naman kaya
Iwanan ka dahil mahal kita
Ngunit di ko maiwansan
Ang mapaluha sa tuwing akoy di mo binibigyan ng halaga
Ang mga panahon na dapat sating dalawa
Inilaan mo sa iba gayon pa man mahal kita
At di na un mag iiba kaya di na sana
Paabutin pa sa punto na ako ang magbago
Dahil hindi mo na maibabalik ang lahat ng meron
Tayo ngayon
Hanggang kailan ako sayo maghihintay
Nakakapagod umasa na ikay magbabago
Ang sakit sa damdamin di na kayang itago
Tama na labis na akong nasasaktan
Walang hangganang ang pangako
Di ka ba napapagod na akoy pahirapan
Nais koy kasagutan hanggang kailan
Ang daming katanungang walang kasagutan
Hanggang kailan ba puso koy masasagutan
Di ko mapigilan luhay di pinusan
Aking nilalabanan sakit na naranasan
Ano ang dahilan gusto kong malaman
Di mo ba maramdaman akoy nahihirapan
Kelan ba talaga magbabago ka pa ba
Wala na ba talaga
Halaga pagmamahalan nating dalawa
Tila para bang nilimot walang mahanapna iba
Kahit aking ilibot ang mga mata pansin mo ba
Ang pagluha ginawa naman lahat pero hindi parin makuha
Ang kaligayahan na gusto kong makamit
Pero bakit sakin ay pilit mong pinagkait
Pilit kong tinitiis tahimik na nagpapanggap
Mga halik at yakap mo na hindi ko na malasap
Nasaan na nasaan na nga ba tayo ayaw ko ng makinig pa
Ng mga payo ng mga kaibigan ko na sinasabi na
Maghanap na ng iba at palitan ka na
Pero kahit na ganun ay di ko sinunod
Dahil kwento nating dalawa ayaw kong ibuod
Gusto kong ituloy at maging maayos
Dahil di ko hahayaan na dito magtapos
Ang pagmamahalang pinaglaban ko ng kay tagal
Masisisi ba ako kung sayoy napamahal
Kahit gaano katagal ay handa akong maghintay
Na hindi mo na muling bitawan ang aking kamay
Bakit di ba makuntento di pa ba sapat
Kinakaya ko naman para sayo ang lahat
Sana sa mga dalangin ko ay merong matupad
Ang mapabuti ka yun lang naman
Ang tangi kong hangad
Hanggang kailan ako sayo maghihintay
Nakakapagod umasa na ikay magbabago
Ang sakit sa damdamin di na kayang itago
Tama na labis na akong nasasaktan
Walang hangganang ang pangako
Di ka ba napapagod na akoy pahirapan
Nais koy kasagutan hanggang kailan
Pinipilit kong sabihin ko sa sarili ko na
Ikaw ay kalimutan ko na
Ngunit ang puso koy patuloy na umiibig pa
Sayo ikaw ang tibok nito
Maalala mo sana na
Nandito lang ako laging nag aabang
Para lang sayo kahit nananabang
Ka na mahal nanlalamig
At kung minsan di na kita maintindihan
Hanggang kailan mo ba pasasakitan ang pusong ito
Hanggang kailan hanggang kailan
Pagod na sa pagtiis sa lagi mong pag alis
Mata'y di ko na mapigil sa pagluha pero ayos lang
Dahil mahal kita di ako bibitaw
Sa pag asang maging ako at ikaw
Hanggang sa dulo ng walang hangganan
Bumalik na sana ang init ng yakap mo
Hanggang kailan ako sayo maghihintay
Nakakapagod umasa na ikay magbabago
Ang sakit sa damdamin di na kayang itago
Tama na labis na akong nasasaktan
Walang hangganang ang pangako
Di ka ba napapagod na akoy pahirapan
Nais koy kasagutan hanggang kailan