menu-iconlogo
logo

Tala

logo
Letras
Sa tuwing ikaw ay pinagmamasdan ko mula sa malayo

May kung anong nararamdaman ang aking puso

Ito'y biglang gumaan may kakaibang kalakip dahilan

Kung bakit iniisip pinipilit

Makalapit at maisagawa

Ang aking ninanais na ipadamang labis kung gaano kahalaga

Ang nararamdamang kiliti kung bakit napapangiti ay siya nag dulot ng iyong ganda aahh

Wala pa ngang ibang nagpasaya nang ganito kalala

Sa'king mga paningin pa lang ay lumalarawan ang naglalambing na tiyak ay hanap mo

Kaya kahit palihim ay binubuhay

Pinapatingkad lalo ang pag ibig ko

Para kang talang bumaba sa langit

'Di ko alam kung bakit sayo ako'y naakit

Wala nang ibang mahalaga

Para sa'kin ay ikaw lang talaga

Dahil sa'yo lang ako maglalambing

Sa'yo lang ako maglalambing

Para kang talang bumaba sa langit

'Di ko alam kung bakit sayo ako'y naakit

Sana'y malamang mong ikaw

Ang siyang pangarap ko

Sa'yo lang ako maglalambing

Sa taglay na ganda mo ika'y lubos na pinagpala

Tingin ko sa mata mo'y parang magagandang tala

Isa kang diwata aking pinapangarap

Sa'yo tagpuan ang lahat ng hinahanap

Nais mahawakan ang iyong mga kamay

Sa mga panahon na ika'y nalulumbay

Sumandal ka lang dito sa'king balikat

Lahat ng problema mo ako'y iyong kaakibat

Subalit paano maisasakatuparan

Lahat ng ilusyon ko kung iniirapan

'Di ka malapitan laging may pagitan

Sating dalawa kailan may mamagitan

Matagal tagal na din akong nag papapansin ligaw tingin kung tawagin

Sa isang binibining' di ko pa nakakasama

Pano sasabihin na sa'yo ay may pag hanga

Para kang talang bumaba sa langit

'Di ko alam kung bakit sayo ako'y naakit

Wala nang ibang mahalaga

Para sa'kin ay ikaw lang talaga

Dahil sa'yo lang ako maglalambing

Sa'yo lang ako maglalambing

Para kang talang bumaba sa langit

'Di ko alam kung bakit sayo ako'y naakit

Sana'y malamang mong ikaw

Ang siyang pangarap ko

Sa'yo lang ako maglalambing

Tila para kang anghel na galing sa langit

Pagmamahal mo lang ang nais ko

Kahit alam kong isang ilusyon ko lang ang lahat ng ito

Pero' di ko inakalang darating pala ang panahong hindi ko na

Namalayang mali pala ako ng desisyon ko kung saan ako nasanay

Panahon at oras ko ang inalay

Para sa babae na hanggang tingin na lang paglalambing ko

Pero kahit na gano'n mahal kita

Mahal na mahal kita

Gusto lang kita lambingin ingatan ang katulad mo

Gusto lang kita lambingin mahalin ng buong puso ko

Wala ng ibang mahalaga

Para sa'kin ay ikaw lang talaga

Dahil sa'yo lang ako maglalambing

Sa'yo lang ako maglalambing

Para kang talang bumaba sa langit

'Di ko alam kung bakit sayo ako'y naakit

Sana'y malamang mong ikaw

Ang siyang pangarap ko

Ako'y maglala lala lambing

Para kang talang bumaba sa langit

'Di ko alam kung bakit sayo ako'y naakit

Sana'y malamang mong ikaw

Ang siyang pangarap ko

Sa'yo lang ako maglalambing

Sa'yo lang ako maglalambing