menu-iconlogo
logo

ONE LIFE ONE LOVE

logo
Letras
ONE LIFE, ONE LOVE

BY REPABLIKAN_FLICT G.

One life, one love

Sa bawat buhay ng tao’y

merong pag ibig na nakahimlay

At tanging dapat mo lang gawin

sa aki’y sumabay

Halika na’t gisingin natin

ang tulog mong diwa

Ibaba mo ang armas

at sandatang nakakahiwa

Sa pagkakataong ito

hari aking opinyon

Layunin kong magkaisa

lahat ng relihiyon

Bilyon ang tao sa mundo

kung ating tutuusin

Bawat tao ay may buhay na

pwedi ring tubusin ng dyos

Ano mang oras handa man o hindi

Madadaig mo ba si kristo

sa kanyang pagtitimpi

Habang pasan ang krus

at ipinakong walang laban

Mahal ka ng dyos

hindi mo lang to nalalaman

Minsan sa ating buhay

merong suliranin

At hindi mo matanto

kung sasapat kaba o kukulangin

Basta’t mahalaga

merong isang pag-ibig

Umaasang may gabay

na nandyan lang sating paligid

Dahil tayo’y may..

One life, one love

Yuwen ayken isto

though I’m searching thru

Though I double way my soul

One life, one love

Wey-a fusowo soyo..

Yo I kwanayo wi

no daymisoyo

Ako’y nabuhay sa mundong

hindi inabot ang ama

At inasa at lahat saking

nag iisang ina

Ang mayakap sya’t pasalamatan

gusto ko pa sana

Nang hindi hinahangad

sakin nakalaang pamana.

Ngunit..

Ako ay naligaw

kay haba na ng sungay

Sa tuwing kakausapin nya ko

mata ko’y mapungay

Pinili kong daan

iba sa karaniwang bata

Impyernong itinuring

mas matindi pa yata.

Ang mapayapa

at pangakong paraiso

ay di mo makakamtan

Kung nasa bulsa mo ay piso

Limutin na lang

ano man ang maibigan

Kung wala kang pera,

walang tapat na kaibigan

Masaklap man ang..

Inabot ko katulad ba sayo?

Istorya ko’t maging sayo’y

Hindi naman nagkalayo.

Siguro nga pareho lang

tayo ng naranasan

Tuloy parin ang luha

Ilang beses mang punasan

Dahil meron kang..

One life, one love

Yuwen ayken isto

though I’m searching thru

Though I double way my soul

One life, one love

Wey-a fusowo soyo..

Yo I kwanayo wi

no daymisoyo

Dumalaw sa mga kaibigan

para matulungan

Sila na maibsan

ang kalungkutan sa kulungan

Yan ang aking gawain

tuwing sasapit ang linggo

Sa piling ng mga kasama

kong nakabilanggo

Sa mga, kasama kong

nasa laya na may atraso

Lihim na kung mamuhay

at binilang na retaso

At isang pilas ng papel

na nilamukos

Kasalanan ba nila

kung galit biglang mabuhos

At bakit ganon?

Pag sinabing muslim

ay matapang

Pag sinabing taga Capiz,

mangkukulam, mambabarang

Pag sinabing waray,

walang awa kung pumatay

At pag sinabing Pilipino

alipin habang buhay

Ako ay Pilipino,

isa rin sa kinakapos

Tanong ko lang

sino ba yung

tinatawag nilang dyos

Sya ba yung nakasama mo

sa madilim na eskeneta

At inakay ka sa may liwanag

kahit di mo sya nakita

One life, one love

Yuwen ayken isto

though I’m searching thru

Though I double way my soul

One life, one love

Wey-a fusowo soyo..

Yo I kwanayo wi

no daymisoyo

Mini fong sho, yowo nisho

Subotayb no

Yo way dowayi ni she..

We yo kunggo,

we yo shammo

Baby yowa no dowdona kwayla

akayomesha meyashi

itsu aynogo…

Thanks for singing!

ONE LIFE ONE LOVE de Repablikan/FLICT G - Letras y Covers