menu-iconlogo
logo

Bintana

logo
Letras
Sa pagpikit ko ng mga mata handa ng managinip

Kasabay sa paglipad ng aking diwa ang pagihip

Ng hangin patungo sa lugar na kung saan maari

Kang hawakan at yakapin 'kaw ang reyna ako ang hari

Ng kahariaan na sa pagdilat ko'y nawawala

Pilitin mang pigilin 'to wala akong nagagawa

Upang ang 'sang katulad mo na sa bintana sinisilip

Makasama makausap ng hindi na pinipilit

Dahil sa alam ko na mundo natin magkaiba

Sinusundo kana ng boyfriend mong ang kotse ay lima

At nagiba ang mundo ko mula nang di sinasadya

Magkabanggaan at nahulog kwintas mong pinasadya

Pa at kabibigay pa lamang ng boyfriend mong mayaman

Ngunit sa 'yong mata ay may lungkot na di malaman

Na pilit tinatago ng iyong mga ngiti

Sana hindi lang sa bintana makikita kang muli

Hirap at sakit ay di alintana

Masilayan ka lang dun sa bintana

Lahat ay gagawin upang iyong malaman

Ang pagibig ko'y tunay walang alinlangan

Tila yata kapalaran na ang sa 'kin tumutulong

Nang hindi sinasadyang muli tayong magkasalubong

At labis kong kinagulat ng ako ay kausapin

Tila ang lahat ng tao'y nakatingin sa akin

Tayo'y naging magkaibigan sumbungan at sandalan

Ngunit lahat pala ng mga bagay may hangganan

Nang ikaw ay magpaalam na d'on na maninirahan

Kung saan ang pagbalik mo ay malabo nang asahan

Gusto man kitang pigilan wala 'kong nagawa

Tila ang lahat ng sa 'kin ay biglaang nawala

At mula n'on sayo ay di na nagkaroon ng balita

Sana'y muli kang makita kahit man lang sa bintana

Mula nang nakilala ka

Hindi kana naalis sa aking isipan

Sana'y malaman mo ang tunay

Na nadarama ng puso ko para sa 'yo

Hirap at sakit ay di alintana

Masilayan ka lang dun sa bintana

Lahat ay gagawin upang iyong malaman

Ang pagibig ko'y tunay walang alinlangan

Alam mo bang ikaw lang ang aking mahal

Lahat ay gagawin upang iyong malaman

Nang ikaw ay dumating sa buhay kong ito

Muling umiikot ang aking mundo

Sa puso kong ito ikaw ang kailangan

Ang pagibig mo dahil minamahal kita

Hirap at sakit ay di alintana

Masilayan ka lang dun sa bintana

Lahat ay gagawin upang iyong malaman

Ang pagibig ko'y tunay walang alinlangan

Hirap at sakit ay di alintana

Masilayan ka lang dun sa bintana

Lahat ay gagawin upang iyong malaman

Ang pagibig ko'y tunay walang alinlangan

Bintana de Repablikan - Letras y Covers