Magpaparaya na ako dahil
hindi ako gusto ng mahal ko
Sinubukang habulin ka
akala ko'y magagawa
Pero bakit ganun pinagpalit ako
Sa tropa ko
Harap harapang niloko
ginago mo ang tulad ko
Sana malimot na kita
Ako ay lumuha dahil, 'di ko
kaya na limutin ka at iwan ka
Dahil ikaw lang talaga
Ako 'y nagmahal ng todo pero ako'y
niloko sana ngayon ay mahalin at wag
mong lokohin please yung bago mo.
Sa pagpatak ng mga aking
luha na iniingat ingatan ko
Pagsasama natin parang di na makakalayo
Ang pagitan ng damdamin
natin sa isat isa
Tila ba wala ng
makakapigil sa'ting dalawa
At bigla ka sakin nagtapat
Na nais mong sabihin
na meron kang iba at
Yan noon mo pa nilihim
Pinaniwala mo ako sayong mga pangako
Na kailan man ako sayo'y hindi mabibigo
Umaasa na ako pa rin ang pipiliin mo
Kahit alanganin ang
lagay ko dyan sa puso mo
Basta't bigkasin mo
lang na mahal mo pa ako
Tatanggapin ko yan
kahit na hindi to totoo
Ang pagmamahal na
binigay ay nasayang lang
Ng sinumpaan pinangako natin
dalawa sa harap ng may lalang
Ako ay lumuha dahil, 'di ko
kaya na limutin ka at iwan ka
Dahil ikaw lang talaga
Ako 'y nagmahal ng todo pero ako'y
niloko sana ngayon ay mahalin at wag
mong lokohin please yung bago mo.
Parang ayoko ng ipagpatuloy
pa ang buhay kong ito
Kung lolokohin gagaguhin lang naman ako
ng babaeng inalayan nilaanan ng husto
Kahit katangahan
iningatan ang katulad mo
Kasi ayoko lang mawawala ka
sa'kin dahil di ko kakayanin
Ang mga bagay minsan na naagaw na sa'kin
Tinuring kong sa akin
at nag iisa ka sa'kin
Ngunit pag ibig mo
hindi pala para sa'kin
Nasayang lang itong aking damdamin
na kailan man sayo naging tapat
At para sayo hindi naging
sapat aking pagmamahal ng di
humihingi ng ano man na kapalit
Pagmamahal na hinangad
bakit sa'kin pinagkait
Kung kailan ko pa naramdaman
ang lahat ng mga 'to
Yan ka pa nawala ka sa tabi ko
Ako ay lumuha dahil, 'di ko
kaya na limutin ka at iwan ka
Dahil ikaw lang talaga
Ako 'y nagmahal ng todo pero ako'y
niloko sana ngayon ay mahalin at wag
mong lokohin please yung bago mo.
Ako ay lumuha dahil, 'di ko
kaya na limutin ka at iwan ka
Dahil ikaw lang talaga
Ako 'y nagmahal ng todo pero ako'y
niloko sana ngayon ay mahalin at wag
mong lokohin please yung bago mo