Halika makinig ka ng pansamantala
Ako si Jomer pare kung hindi mo kilala
I-kukwento ko sayo ang mga nais kong sabihin
Nanggaling sa wala pero hindi nagpa-alipin
Ako ay isang batang nangarap lang noon
Magpasa hanggang ngayon marunong padin lumingon
Kung anong meron ako yun ay aking pinaghirapan
Hindi ko nilimos ang respeto at palakpakan
Kusang ibinigay sakin at pinagkaloob
Naranasan lumubog nag tyaga at sa loob
Na pitong taong paghihintay sinanay ang sarili
Di lahat sayo ay tunay meron ding makasarili
Oo parehas tayo parehas tayong tao
Pero hindi ibig sabihin magkatulad tayo
Iba ang natural sa nagpapakitang tao
Iba ang ginagago sa taong nirerespeto
Koro :
Isa lang ang buhay marami ang hukay
Gamitin mo sa tama't makabuluhan
Ang mga putik sayong nakaraan
Ay di magiging salamin ng yong pupuntahan
At kung sakaling dumating
Ang araw na mawala ka
May legasiyang maiiwan
Kung pano ka nila maaalala
Gusto nilang tapakan sakupin at lakaran
Pasukin ang lugar na kung saan ako ang harang
Nagkaron man ng kaaway yun ay dahil may atraso
Hindi ko kagustuhan ang patong-patong na kaso
Mayabang daw tignan kasi marami ngang tattoo
Madalas kasing seryoso at hindi nagbibiro
Pero sa kabilang banda saking mata mo makikita
Ang tunay na ako at kung paano makisama
Ako si Jomer sanay sa buhay na di marangya
Ako'y laki din sa kalsada pero hindi walangya
Ma-agang nagka-anak, ma-agang nagka-asawa
Maaga rin nagsawa nagpaka-buhay binata
Dahil sa tawag ng pangangailangan
Napilitan kumapit sa patalim dahil kailangan
Kahit ayoko ay wala akong magagawa
Kundi ako kikilos ay walang mapapala
Hanggang lumawak ng lumawak ang aking nilalakaran
Mas dumami ang kaibigan kesa sa mga kaaway
Dahil sa pakikisama at walang inagrabyado
Naglakbay hanggang tondo naging sundalo saming kampo (187)
At ngayon nandito na sa dating di ko maabot
Aking pangarap na akala ko saki'y pinagdamot
Yung mga dating imposible ginawa ko yun posible
Sa tulong ng mga taong naniwala't nanatili
Pasasalamat ng lubos ay kailangan umaapaw
Sa bawat kaganapang kayamanang di maagaw
Tanging tangan ang pangalan at kwento ko balang araw
Ang liwanag kong hiling na galing sa bulalakaw
Koro :
Isa lang ang buhay marami ang hukay
Gamitin mo sa tama't makabuluhan
Ang mga putik sayong nakaraan
Ay di magiging salamin ng yong pupuntahan
At kung sakaling dumating
Ang araw na mawala ka
May legasiyang maiiwan
Kung pano ka nila maaalala
Isa lang ang buhay marami ang hukay
Gamitin mo sa tama't makabuluhan
Ang mga putik sayong nakaraan
Ay di magiging salamin ng yong pupuntahan
At kung sakaling dumating
Ang araw na mawala ka
May legasiyang maiiwan
Kung pano ka nila maaalala.
Maaalala maaalala
Maaalala maaalala