menu-iconlogo
logo

Tulad nung Una

logo
Letras
Hangga't nandito ka at ako'y nandito

Sa 'yong tabi'y mananatili ang pag ibig na pinunla

Tulad din ng simula no'ng tayo'y nag umpisa

Ikaw at ako lang ang bida parang pelikula

Mga eksena natin samu't sari

May maganda at pangit na pangyayari

Ngunit dapat mo pa na higpitan

Ang kapit ng iyong mga kamay sa 'kin

Magkasabay lampasan ang bagyo't

Salubungin ang malakas na hangin

Basta't tandaan mo na mahal kita

At panghawakan mo na wala ng iba

Lumipas man ang panahon asahan mo

Na gano'n pa rin naman sa 'yo

Ang tunay kong nararamdaman

Dahil tulad pa rin no'ng una

Damdamin ko'y hindi nagbabago

Ang tunay na himig ng aking pag ibig

Sa 'yo ay 'di pa rin nag iiba

Dahil tulad pa rin no'ng una

Kahit marami man ang magbago

Mga magaganda nating alaala

Pa rin sa 'king puso ang natitira

Hanggat nandito pa sa 'king puso ang larawan mo at

Mga anak natin ay hindi mabubura

Kung ano sa simula at tayo no'ng umpisa

Masaya man o malungkot ang ending ng pelikula

Mga eksena na pabago bago

Wala naman kasing perpekto na tao

Ngunit dapat mo pa rin na isipin na

Magiging maayos din ang lahat

Pagkatapos ng mga unos na dumaan sa ating dalawa

Basta't tandaan mo na mahal kita

At panghawakan mo na wala ng iba

Lumipas man ang panahon asahan mo

Na gano'n pa rin naman sa 'yo

Ang tunay kong nararamdaman

Dahil tulad pa rin no'ng una

Damdamin ko'y hindi nagbabago

Ang tunay na himig ng aking pag ibig

Sa 'yo ay 'di pa rin nag iiba

Dahil tulad pa rin no'ng una

Kahit marami man ang magbago

Mga magaganda nating alaala

Pa rin sa 'king puso ang natitira

Sige lagyan pa natin ng rap

Para walang masabi at kumpleto sa rekado

Pag ibig ang pangunahing sangkap

Bilang pasasalamat ko sa 'yo at siyang regalo

Sa pagiging inahin ng aking mga inakay

Walang tandang pananong na

Ako'y kasama n'yo sa hirap man o sa ginhawa

Ikaw at sila kahit sa'n mapunta

Pasensya sa iba ke ga'no katigas

Sa pagiging labsongero sa 'kin 'di na maalis

Akalain mo ba na kaya magpa amo

Ng puso ang aking mga linya na mababangis

Mga hirit ba na ganito ay bigla n'yo na miss

'Di mabulaklak kundi tila mamais

Kasi minsan kung ano daw ang pinaka corny

Madalas yo'n pa ang pinakamatamis

Labyu day

Dahil tulad pa rin no'ng una

Damdamin ko'y hindi nagbabago

Ang tunay na himig ng aking pag ibig

Sa 'yo ay 'di pa rin nag iiba

Dahil tulad pa rin no'ng una

Kahit marami man ang magbago

Mga magaganda nating alaala

Pa rin sa 'king puso ang natitira

Ahh ahh ahh ahha oh oh ahh

Sa 'king puso ang natitira

Tulad nung Una de Smugglaz - Letras y Covers