Ang lungkot ng mukha mo
Parang wallet na walang laman
Di mo na maisikreto
Kung ano ang iyong pinagdadaanan
Naghihintay at umaasa ka
Na parang teleserye lang ang lahat
Hindi mo ba nakikita
Diba sa ending mo iniwan ka
Pero nandito lang ako
Kasama mo ako
Di kita iiwan
Kahit saan ka mapadpad
Kahit saan pa magpunta
Di kita pababayaan
Di ka na makareklamo
Parang traffic na hindi gumagalaw
Ano nga ba ang nagawa mo
Bakit ngayon ikaw ang lumuluha
Pero nandito lang ako
Kasama mo ako
Di kita di kita iiwan
Kahit saan ka mapadpad
Kahit saan pa mapunta
Di kita di kita pababayaan
Dahil nandito lang ako
Dahil
Kasama mo ako
Di kita iiwan iiwan
Kahit saan ka mapadpad
Kahit saan pa mapunta
Di kita iiwan pababayaan
Dahil nandito lang ako
Kasama mo ako
Di kita iiwan ki iiwan ki iiwan
Kahit saan ka mapadpad
Kahit saan pa mapunta
Di kita pababayaan
Ang lungkot ng mukha mo
Parang nahulog cellphone mo sa hagdanan