menu-iconlogo
logo

Kurakot

logo
Lirik
Kapag ako'y nahalal

Gagawin ko lahat ng makakaya ko

Aayusin ko ang sirang kalsada

At tatapusin ko na ang baha sa lugar niyo

Gagawa ako ng maraming proyekto

Para sa ikauunlad ng bayan ko

Basta sa akin ang nobenta

Sa inyo ang sampung pursiyento

Pang jeep pang botika

Pang palengke kurakot

Pang eskwela pang opisina

Pang puhunan kurakot

Kinurakot

Sir magandang hapon po

Nakita niyo po ang pulang ilaw

Bakit niyo pa dinerecho

Pahiram saglit ng lisensya nyo

Alam niyo bang limang daan ang multa diyan

At ubos oras yan

Ganito na lang po

Iipit niyo na lang po diyan pang merienda

Para di na kayo maabala

Pang jeep pang botika

Pang palengke kurakot

Pang eskwela pang opisina

Pang puhunan kurakot

Kinurakot

Ano po bang laman ng kahon

Pwede bang masilip at mabilang yan

Sanay po ba kayong maghintay ng isang taon

O baka gusto nyo muna maglaro ng pera o kahon

Madali lang po to sakin ang pera

Papalusutin natin ang laman ng kahon

Pang jeep pang botika

Pang palengke kurakot

Pang eskwela pang opisina

Pang puhunan kurakot

Pang jeep pang botika

Pang palengke kurakot

Pang eskwela pang opisina

Pang puhunan kurakot

Kinurakot

Magandang umaga po mam Sir

Ako ang inyong friendly neighbor at business partner

Pwede po bang makita ang libro niyo

May option po tayo

Buksan natin yan o hindi na

At ako na ang bahala diyan

Basta samin ang sampung milyon

Ang barya para sa collection

Pang jeep pang botika

Pang palengke kurakot

Pang eskwela pang opisina

Pang puhunan kurakot

Pang jeep pang botika

Pang palengke kurakot

Pang eskwela pang opisina

Pang puhunan kurakot

Kinurakot

Kurakot

Kinurakot

Kurakot

Kurakot oleh Banda Ni Kleggy - Lirik & Cover