menu-iconlogo
logo

Mandirigma

logo
Lirik
Natambakan man ng basura ang paligid mo

Di ko kayang hakutin yan (hakutin yan)

Wag lang mabalitaan na ang puso mo'y naputikan

Dahil kaya kong linisin yan

Natrapik ka pauwi ng Marikina

Di ko alam ang shortcut diyan (di ko alam ang shortcut diyan)

Pero kung nagkabuhol-buhol ka sa pag-ibig mo

Ako ang bahala diyan

Ako ang mandirigma ng pag-ibig

Tagapagtanggol ng mga pusong sawi

Ako ang mandirigma ng pag-ibig

Gagamutin ko ang masakit mong dibdib (dibdib)

Nanakawan daw ang kapitbahay mo

Pulis nang bahala diyan (bahala diyan)

Maliban na lang kung pag-ibig mo ang nanakaw

Kaya kong isoli yan (kaya kong isoli yan)

Nasusunog daw ang planta ng yelo

Di ko kayang maging bumbero (di ko kayang maging bumbero)

Pero kung napaso ang iyong pag-ibig

Kaya kong hilumin yan

Ako ang mandirigma ng pag-ibig

Tagapagtanggol ng mga pusong sawi

Ako ang mandirigma ng pag-ibig

Gagamutin ko ang masakit mong dibdib

Ako ang mandirigma ng pag-ibig

Tagapagligtas ng pusong naaapi

Ako ang mandirigma ng pag-ibig

Tatanggalin ko ang bakas na mapait (mapait)

Nahuli ka ng pulis dahil kumaliwa ka

Di ko kayang aregluhin yan (di ko kayang aregluhin yan)

Pero kung nangaliwa ka sa misis mong maganda

Handa na ang pampiyansa mo sapagkat

Ako ang mandirigma ng pag-ibig

Tagapagtanggol ng mga pusong sawi

Ako ang mandirigma ng pag-ibig

Gagamutin ko ang masakit mong dibdib

Ako ang mandirigma ng pag-ibig

Tagapagligtas ng pusong naaapi

Ako ang mandirigma ng pag-ibig

Tatanggalin ko (tatanggalin ko)

Gagamutin ko (gagamutin ko)

Tatanggalin ko (tatanggalin ko)

Ang bakas na mapait (mapait)

Ang bakas na mapait (na mapait)

Ang bakas na mapait (na mapait)

Mandirigma oleh Banda Ni Kleggy - Lirik & Cover