
Hindi Ako Isang Laruan
Hindi ako
isang laruan
Na kung ayaw mo na'y
iyong papalitan
Matapos angkinin
pag-ibig ko't danggal
Iniwan mo akong
may dusa't luhaan
Pangako mo'y
walang natupad
Pagka't pag-ibig mo pala
sa aki'y huwad
Bigo ang puso ko
sa yo'y naghahangad
O kay sakit naman
sinapit nyaring palad
Hindi ako laruan
na iyong iiwan
Matapos angkinin
at pagsawaan
Ako'y may damdamin
marunong masaktan
Tulad mo rin akong
puso'y nasusugatan
Batid ng lahat
na kita ay mahal
Kaya’t naibigay sayo
ang puso ko’t dangal
Akala ko noon
pag ibig moy’ tunay
Kunwari lang pala
ang iyong pagmamahal
Hindi ako laruan
na iyong iiwan
Matapos angkinin
at pagsawaan
Ako'y may damdamin
marunong masaktan
Tulad mo rin akong
puso'y nasusugatan
Hindi ako laruan
na iyong iiwan
Matapos angkinin
at pagsawaan
Ako'y may damdamin
marunong masaktan
Tulad mo rin akong
puso'y nasusugatan
Ako'y may damdamin
marunong masaktan
Tulad mo rin akong
nasusugatan.
Hindi Ako Isang Laruan di Imelda Papin - Testi e Cover