Pinaluhod tayo
Sa isang hagupit
Niragasa sinalanta
Pinaluha
Humupa ang unos isang bahaghari
Dala ng bukang liwayway
Pag- ibig
Pagkakaisa
Bangon
Pilipinas kong mahal
Akay ang pananampalataya sa may kapal
Ahon
Buhay sa yong dugo
Ang tibay na tatak ng tunay na Pilipino
At nagising ang bayanihan
Milyon milyon yon naging isa
Walang kami
Walang kayo
Walang sila
Tanging ligaya
Ay pag alay ng sarili sa iba
Bangon
Pilipinas kong mahal
Akay ng pananampalataya sa may kapal
Ahon
Taglay ng yong dugo
Ang tibay na tatak ng tunay na Pilipino
Hindi ka namin iiwan
Hindi tayo susuko
Lulusong tayo't magtatagumpay
Magtatagumpay
Bangon
Pilipinas kong mahal
Akay ang pananampalataya sa may kapal
Ahon
Buhay sa yong dugo
Ang tibay na tatak ng tunay na Pilipino
Lahat nitong mga pagsubok
Ay ating kayang lagpasan
Lahat nitong mga pagsubok
Ay ating kayang lagpasan