menu-iconlogo
logo

Buhay Ko

logo
가사
Nung ika'y musmos pa lang 'di ka naman kagandahan

Walang hinaharap, puro laro lang ang alam

At nang mag dalaga ka na, bigla kang gumanda

At ang nakapagtataka, minahal na agad kita

Pero paano mo ako mapapansin

Lahat ng gusto mo, wala naman sa'kin

Hindi 'man sa'yo nararapat

Hindi 'man ako ang iyong pangarap

Mahirap lang ako

Walang yaman sa mundo

Buhay ko lang ang kayang ibigay sa'yo

Ngayon dumami na ang nanliligaw sa'yo

Halos lahat sila puro mayaman at gwapo

Pero paglalaban kita sa ayaw mo at gusto

Gagawin kitang ina ng magiging anak ko

Pero paano mo ako mapapansin

Lahat ng gusto mo, wala naman sa'kin

Gagawin lahat itaga mo sa bato

Walang magmamahal sa'yo

Tulad ng pag-ibig ko

Hindi 'man sa'yo nararapat

Hindi 'man ako ang iyong pangarap

Mahirap lang ako

Walang yaman sa mundo

Buhay ko lang ang kayang ibigay sa'yo

Buhay ko lang, buhay ko lang

Buhay ko lang and kayang ibigay sa'yo